^

Pang Movies

Marian may pinaplano sa birthday ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy birthday today to GMA Primetime King Dingdong Dantes. Kahapon ay early morning umalis si Dingdong for Estancia, Iloilo, kasama ang kanyang Yes Pinoy Foundation para ipamahagi ang mga silya sa kanilang One Chair, One Child prog­ram. Kailangan nilang umalis nang maaga dahil from the airport, three hours by land pa ang travel to Estancia na isa sa mga nasalantang lugar ng bagyong Yolanda sa Iloilo. Kasama sa programa nilang iyon ang ipinatatayong school building nina Dingdong na malapit na nilang i-turn over sa namamahala ng elementary school. Isi-celebrate rin ni Dingdong ang birthday niya sa pamamagitan ng outreach prog­ram sa iba pang lugar doon.

Babalik din sa Manila si Dingdong pero mukhang hindi pa rin sila magkikita ng girlfriend na si Ma­rian Rivera dahil diretso siya ngayong birthday niya sa Clark Field in Pampanga.  May Ducati Cup sila roon hanggang bukas, August 3, hindi lamang kami sure kung sasali si Dingdong. Pero mukhang susurpresahin siya ni Ma­rian dahil nagpaalam siya sa Eat Bulaga na wala siya ngayong Sabado sa grand finals ng Suffer Sireyna ng Juan for All, All for Juan segment nila.

Eugene nagmakaawang panoorin ang kanyang indie film

Naging emotional si Eugene Domingo sa presscon ng indie film nilang Barber’s Tales na nagwagi na ng awards mula sa mga international film festivals abroad.  Napaiyak siya da­hil hindi niya alam kung paano ta­tanggapin ng mga Pinoy ang kanilang pelikula, pagod na raw siyang mag-pro­mote at makiusap na pa­noorin ang mga indie film na ipinalalabas dito.  Sana raw ay makita niya na lalabas ng sine­han ang mga manonood na nagustuhan at pinuri ang pelikula nila. Na hindi raw nila naranasan sa mga bansang pinaglabasan nito sa mga inter­national film festivals which they attended ni di­rector Jun Lana. That after ng full-packed screening ng pelikula, napakainit ng pagtanggap sa kanila, pinalakpakan sila, at may yayakap at magku-congratulate sa kanila, may mga magpapa-picture sa kanila.  Minsan nga raw ay may nagbigay pa ng cake kay Direk Jun bilang pagbati sa husay ng pagkagawa niya sa pelikula.

Nanalo si Eugene ng Best Actress award in the 2013 Tokyo International Film Festival, Best Film award sa Far East Film Festival in Udine, Italy, Hong Kong-Asia Film Financing Forum at Best Director award for Jun Lana sa 2014 Madrid International Film Festival.  Produced by APT Entertainment and Rated R-13 by the MTRCB, showing na ang Barber’s Tales sa August 13.

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BEST FILM

FILM

JUN LANA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with