^

Pang Movies

Carla ipinagdarasal pa kung sasagutin si Tom

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Carla Abellana, ang 2014 na raw ang busiest year niya simula nang mag-artista siya. Tatlong pelikula na ang nagagawa niya for this year, at ang latest nga ay itong Somebody to Love with Jason Abalos and Matteo Guidicelli under Regal Films na ipalalabas na sa Aug. 20.

Sa presscon nga para sa nasabing pelikula last Thursday night, say ni Carla ay thankful siya talaga sa mga blessings na natatanggap niya ngayon. Bukod sa pelikula, sunud-sunod din ang TV projects niya and endorsements.

‘Yun nga lang, ang love life niya ang nagsa-suffer dahil wala raw siyang oras talaga ngayon for love. After her break-up with Geoff Eigenmann, puro trabaho lang siya.

Ang persistent na nali-link ngayon sa kanya ay si Tom Rod­riguez at aware naman siya na nagpaparamdam ng aktor at papunta na sa panliligaw sa kanya.

Una, panay ang padala ng mga tula at kanta ni Tom kay Carla na ang aktor mismo ang may gawa. At siyempre, alam ng aktres na senyales ito na he’s getting there.

“Not an ordinary person would just write poems and songs for anybody, ‘di ba? That person has to be inspired. Siyempre, may something, ganyan. It has to be special,” say ni Carla.

Inamin na rin naman ni Tom sa press recently na special sa kanya si Carla at ang aktres ang ins­pirasyon niya.

 “Well, I’m extremely glad and grateful na at least, he feels that way towards me. Hindi naman lahat ng tao napi-please natin, eh, so the fact na mayroon kang isang tao na napapasaya ng ganyan, mayroong isang tao na napi-feel special because of you, greatful ka,” saad ng aktres.

Wala pa raw sinasabi si Tom na deretsahan sa kanya tungkol sa nararamdaman nito.

 “Through his poetry pa lang and music, siyempre. Hindi mo na kailangang sabihin ‘yun, that’s his way of expressing.”

Aminado siyang kinikilig din siya dahil wala na raw gumagawa ng ganyan ngayon.

Ready ba siya pag dumating ang time na magtapat na si Tom?

 “Well, of course, I’ll be ready for the day, but then, what else will I be ready for? Time, number one. Wala akong maibibigay sa kanya. Outside work, wala akong maibibigay sa kanya at all, so kawawa lang din siya. Ang time lang that we share together is sa trabaho. At least, meron kaming ganu’n.

 “I’d be ready, my goodness, if. . . you know, whatever he professes or says, okay. Pero other than that, wala akong maibibigay sa kanya.”

Open siya sa possibility na maging boyfriend niya si Tom pero ‘yan eh only time can tell na lang daw at ipagdadasal din niya kay Lord.

Vhong tapos na sa bangungot

Tuluyan na ngang naka-move-on si Vhong Navarro mula sa bangungot na nangyari sa kanya ilang buwan na ang nakararaan. Ang sunud-sunod na trabaho lang ang isa sa mga humilom ng mga hindi magagandang pangyayaring iyon sa buhay ng TV host/dancer at ngayon, back to normal na talaga siya at masaya na naman.

Sa lahat ng ito ay malaki ang pasasalamat ni Vhong sa ABS-CBN management sa todo-todo ang suportang ibinigay sa kanya at hindi siya pinabayaan.

Tulad ngayon, si Vhong naman ang magbibida sa Wansapanataym starting this Sunday, August 3, 6:45 p.m. sa episode na pinamagatang Nato de Coco na halaw sa isa sa mga obra ng batikang co­mics master na si Rod Santiago.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF EIGENMANN

JASON ABALOS

KANYA

NIYA

SIYA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with