^

Pang Movies

Kaya gusto nang mamahinga, Cristine nag-all the way!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Si Lovi Poe at si Ellen Adarna ang napili ni Cristine Reyes na pwedeng pumalit sa trono niya bilang sex symbol sakaling tumigil na nga siya sa pagpapa-sexy.

Nauna nang ipinahayag ni Cristine na gusto na niyang tumigil doing daring scenes sa mga proyekto at gusto niya sanang ang Trophy Wife na kasalukuyang showing ngayon ang last sexy film niya.

May kinalaman sa pagiging renewed Christian ang desisyon ni Cristine na tumigil na sa pagpapa-sexy. Parang may conflict naman daw kung every Sunday ay nagpupunta siya sa church pagkatapos ay nakikita siyang nakikipag-love scene or kissing scenes on screen.

Isa pang dahilan ni Cristine ay ang kanyang mga pamang­kin na mahal na mahal niya. Ikinalulungkot niya rin daw na hindi mapanood ng mga ito ang kanyang mga pelikula simply because may mga sexy scenes siya.

After Trophy Wife, gusto ni Cristine na ipakita naman ang kanyang talent sa drama.

Sa Trophy Wife ay saganang-sagana ang mga sexy scenes ni Cristine with Derek Ramsay. Ang dami rin niyang kissing scenes with John Estrada. May eksena pang inilabas niya ang kanyang dila sa kissing scene nila ni Derek at may scene rin na naghe-hello na ang kanyang boobs.

 

Mark excited nang maging Ferdinand Marcos sa London

Masayang-masaya si Mark Bautista nang makausap namin sa pocket presscon kahapon dahil sa pagkakakuha sa kanya ng British production para sa London musical play na Here Lies Love. And take note, he got the lead part, he’ll be playing the role of former President Ferdinand Marcos dahil ang kwento nito ay tungkol sa former First Lady Imelda Marcos.

Kwento ni Mark ay nag-audition daw siya para sa role last July nang pumunta dito sa ‘Pinas ang British production people.

 “Try lang, wala namang mawawala. Sabi ko, okay lang kung hindi matanggap kasi nagsisi na ako sa Miss Saigon na parang “ba’t hindi ako nag-audition do’n?” ‘Di ko tuloy malaman kung pasado ba ako sa standard nila.

 “So, ang sakit pala kung puro what-ifs ka kaya ayoko nang palampasin ito,” say ni Mark.

At napakaswerte naman niya dahil siya nga ang napili for the lead role.  

Talaga raw hindi siya makapaniwala and it took 3 days bago nag-sink in sa kanya na nakapasa siya.

 “Third day, pagising-gising ako, hindi ako maka­tulog nang maayos. Iniisip ko ‘to. Sabi ko, wow, this is it. Nung nag-post na sa Facebook at sa Twitter si Ms. Lea Salonga, sabi niya “Congratulations, I heard,” parang ganu’n.

 “Nung nag-tweet na siya nang ganu’n, sabi ko, wow, totoo na ‘to. West-end na talaga ‘to,” he said.

Ang gaganap na Imelda Marcos ay British-Australian na may du­gong Pinoy din daw, si Nathalie Mendoza. Nakita na niya ang picture nito at nagandahan daw siya.

 “Para siyang beauty queen, matangkad pa sa akin,” he said.

Bale ba ay naghahanap si Mark ng girlfriend ngayon kaya nang biruin namin siyang baka ‘yung leading lady na niya ang kanyang magiging kapalaran, natuwa naman ang singer at excited siya sa posibilidad nito.

Ang bilis nga ng pangyayari dahil ngayong August 16 ay aalis na si Mark patungong London. Ang tagal niyang mawawala sa bansa dahil the play will run from October to January.

Excited na excited na siya at looking forward din siya na ma-meet doon si Rachelle Ann Go na naroroon naman for Miss Saigon. Alam na raw nito ang good news about him at binati na rin daw siya.

 “Sabi niya, “pagdating mo dito, celebrate tayo,” masaya pang kwento ni Mark.

Kami man ay natutuwa para kay Mark dahil finally, he’s going international. Sulit ang lahat ng paghihirap, paghihintay, at pagtatrabaho niya for years now sa showbiz dahil natupad ang isa sa mga panga­rap niya at ito ay ang magkaroon ng international career.

Congrats Mark!

vuukle comment

AFTER TROPHY WIFE

CRISTINE

MARK

MISS SAIGON

NANG

NIYA

SABI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with