^

Pang Movies

Pagdi-deklarang Most Beautiful ni Sarah, walang kumontra

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maganda naman talaga, lalo ngayon si Pop Princess Sarah Geronimo, kaya siya ang napiling 2014 Most Beautiful Star ng Yes! Magazine. Ginawa ang announcement sa Elements Centris, ito ang sagot ni editor-in-chief Jo-Ann Maglipon kung bakit unanimous choice nila si Sarah, “ang ganda-ganda naman talaga ngayon ni Sarah, more than any other time. She’s at her prime, I don’t think anyone would question our choice.  She’s supremely talented in singing and acting, a good person with a strong sense of family.”

May kinalaman ba ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli para maging beautiful siya? “Siguro po dahil may inner peace, contentment and happiness ako in my heart, kaya una po ang pasasalamat ko sa Diyos. Ang totoo po nang malaman ko, nagulat ako, tanong ko, totoo ba ‘yan, nahihiya naman ako.  Salamat po sa Yes! dahil in-acknowledge nila ang kabuuan ng pagkatao ko.”

Hosted by Iya Villania, ilan sa mga artistang dumating na nasa Yes! 100 Beautiful Stars sina Alden Richards, Tom Rodriguez, Rocco Nacino, Louise delos Reyes, Ritz Azul, Julie Ann San Jose, Ryzza Mae Dizon na tanong niya: “maganda po ba ako, parang hindi naman,” Janine Gutierrez, Iza Calzado, Gary Valenciano, and Angeli Pangilinan, na nag-iimbitang huwag kalimutang panoorin ang Arise Gary V 3.0, The Repeat sa Saturday, August 2, 7:00 p.m. sa MOA Arena; newly-weds Jericho Rosales and Kim Jones, Arjo Atayde, Mark Newman, Andrea Brillantes, Ynna Asistio, Coleen Garcia, Arron Villaflor.

Hari ng Tondo nabuo ang concept dahil sa Smokey Mountain

From the Yes! event, tumuloy kami sa residence ng mag-asawang direk Carlitos Siguion-Reyna and scriptwriter Bibeth Orteza in Forbes Park for a presscon and short preview of Hari ng Tondo ang first entry ni direk Carlitos sa coming Cinemalaya X simula sa August 1 to 10 at the Cultural Center of the Philippines (CCP).  Dumalo sina Robert Arevalo, Liza Lorena, Rafa Siguion-Reyna, Cris Villonco, Ciara Sotto (na congratulations dahil she’s now 9 weeks preggy) at Gian Magdangal. Ayon kay Direk Carlitos, nabuo ang concept ng movie nang minsan gumawa ng short film si Bibeth para sa Smokey Mountain at siya naman gusto niyang gumawa ng isang movie tungkol sa grandfather and his grandchildren na simula nang mamatay ang kanyang ama in 2010, kaya iyon ang pinagsama nila at nabuo ang story.

Malapit daw ang puso niya sa Tondo dahil doon siya isinilang, sa Mary Johnston Hospital, na nakita niyang nandoon pa rin nang mag-shooting sila pero hindi pa niya napasok.  Napili niyang gumanap na grandfather si Robert at mga apo sina Rafa at Cris.  Isang self-made man si Ricardo Villena (Ro­bert) pero nakatakda na silang maghirap kaya inisip niyang ipakita sa mga apo niya ang Tondo.  Maraming lessons na makikita sa movie, isa na rito ang pagmamahal sa elders, may nakatutuwa ring eksena lalo nang pinili nilang samahan ang kanilang lolo sa Tondo kabaligtaran ng pamumuhay nila sa Makati. 

Magkakaroon ng gala night ang Hari Ng Tondo sa CCP Tanghalang Nicanor Abelardo (Main Theater) sa Wednesday, August 6, 6:15 p.m.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDREA BRILLANTES

ANGELI PANGILINAN

ARISE GARY V

ARJO ATAYDE

ARRON VILLAFLOR

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with