^

Pang Movies

Kris dinedma ni Derek sa premiere night ng kanyang pelikula?!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Late dumating si Kris Aquino sa premiere night ng Trophy Wife last Tuesday night na ginanap sa SM Megamall. Nagsisimula na ang movie when she arrived na tanging ang mga bodyguards lang ang kasama.

Of course, ang pagdating ni Kris ay bilang suporta sa kaibigan niya and at the same time ay nali-link sa kanya na si Derek Ramsay na isa sa mga bida ng Trophy Wife.

Present din of course ang apat na bida ng mo­vie na sina Derek, Heart Evangelista, Cristine Reyes, and John Estrada na kasama ang asawa at manager na si Priscilla Meirelles.

Bilang suporta naman kay Cristine ay dumating ang ate niyang si Ara Mina kasama ang boyfriend na si Mayor Patrick Meneses.

Dumalo rin sa premiere night si Jennylyn Mercado bilang suporta sa kaibigang si Cristine at kay Derek na bago niyang leading man sa Metro Manila Film Festival entry na English Only, Please.

Nanood din ang mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres at ilan pang mga artista to support the film.

In fairness, nagpatalbugan ng beauty sina Heart at Cristine sa movie. Wala kaming itulak-kabigin sa kanila. Classic ang beauty ng una at sobrang kinis naman ng huli.

Nagmarka ang mga dialogue ng dalawang female lead sa kanilang mga confrontation scenes at nagsisigawan ang mga tao sa mga sexy scenes nina Derek and Cristine.

Hindi namin alam kung ano ang inirereklamo ni Heart na si Cristine ang bida ng movie at sobrang liit daw ng kanyang role. Napaka-importante ng kanyang papel at kung wala siya ay hindi tatayo ang movie.

Masasabi ngang sa paghihiganti ni Cristine umiikot ang story pero we’d say hindi naman dehado si Heart sa exposure lalo na’t napakalakas ng screen presence niya.

Ang Trophy Wife ay nagsimula nang ipalabas kahapon, July 30 sa mga sinehan. Mula sa direksyon ni Andoy Ranay at mula naman sa produksyon ng Viva Films and MVP Entertainment.

Sarah independent at nagdedesisyon na para sa sarili

Para kay Sarah Geronimo, isang napakagandang birthday gift for her ang pagkakahirang sa kanya bilang Most Beautiful Star for 2014 ng Yes! Magazine. Pinangunahan ng Pop Princess ang listahan ng 100 Most Beautiful Stars sa grand launching na ginanap last Tuesday sa The Elements at Centris, Quezon Avenue.

Sobrang thankful and proud ni Sarah.

Sarah just celebrated her 26th birthday at aminado siyang nasa stage siya ng buhay niya ngayon na natututo nang gumawa ng sariling desisyon at maging independent.

 “Nandoon ang pressure na parang kailangan ganito ka, you have to be independent, and make your own decision, at kailangan panindigan mo ‘yan, ganito-ganyan.

“Ang daming nagsasalita sa utak ko. Pero ‘yon na lang talaga, kukuha ka ng kung ano ang pinaka-clear na kung ano ang dapat gawin sa Bible at mga sinasabi ng magulang mo.

“Kailangan din mayroon kang sariling desisyon, kung ano ang pananaw mo sa buhay. Kasi, iba rin po ‘yung alam mo kung sino ka, kung ano ‘yung stand mo, ano ‘yung foundations mo. Kailangan matutunan mo rin para maging independent kang tao,” she said.
When asked kung ano ba ang pressure na naibibigay sa kanya ng press sa kanyang personal na buhay, aniya ay nirerespeto na lang daw niya kung ano ang opinyon ng bawat tao.

 “Basta ako, kung ano ang alam kong totoo, ‘yung nakikita ng mga mata ko, ‘yung naramdaman ko, ganu’n na lang. Dumating na rin ako sa point na hindi ko na kailangang i-please ang kahit sino. Alam ko kung ano ‘yung naging tama, ‘yung na­ging mali,” she said.

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANG TROPHY WIFE

ANO

ARA MINA

CRISTINE

KUNG

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with