^

Pang Movies

Mayor Bistek ingat na ingat pa ring pag-usapan si Kris

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa mga naglalabasang statements niya, halata mong iwas na iwas pa rin si Mayor Herbert Bautista na mag-comment sa anumang nasabi na ni Kris Aquino sa kanyang mga TV shows tungkol sa ma­yor ng kyusi. Maganda at halata mong playing safe ang mga statement ni Bistek. Mahirap nga namang magkamali siya, baka mabengga pa siya, alam na ninyo.

Ang sinasabi ni Mayor Bistek ngayon ay wala na raw siyang iniisip na iba kung ‘di ang kanyang trabaho. Aba kailangan ngang kumilos na siya nang husto dahil may isa pa siyang natitirang term bilang mayor at mukhang may ambisyon pa siya pagkatapos maging mayor ng Quezon City kaya kailangang may gawin siya talaga, at medyo maging maganda ang image niya. Mahihirapan nga siguro siyang lampasan ang mga nagawa ni Speaker Sonny Belmonte, noong siya ay mayor ng Quezon City, dahil natapos naman niya halos ang lahat ng proyekto. Pero magawa lang ni Mayor Bistek ang kalahati noon, ok na siya.

Ang problema nga lang ni Mayor Bistek, hindi pa rin maikakaila na mas kilala siya ng mga tao bilang isang artista, at dahil artista siya ay mas sinusundan ng publiko ang kanyang personal na buhay. Hindi kagaya ng ibang mga pulitiko na ang napag-uusapan ay ang kanilang trabaho, pero ang personal na buhay ay napapanatili nilang pribado. Sa kaso ni Mayor Bistek, pati na ang kanyang personal na buhay, at maging ang kanyang love life ay nagiging topic maging sa mga showbiz talk shows, at iyon ang mas matindi. May halo na kasing tsismis iyon.

Kung sa bagay, ano nga bang matindi ang lumabas sa love life ni Mayor Bistek noong araw, eh tahimik namang lahat iyon. Noon lang talagang pinasukan niya si Kris Aquino at saka siya naiskandalo. Kaya dapat ingat-ingat lang si Mayor.

Musical na Filipinas 1941 mas malaki pa ang gastos kesa sa indie

Finally, napanood namin iyong Filipinas 1941 ng Philippine Stagers Foundation. Hindi iyon basta play kung ‘di isang original Filipino musical. Ganyan ang mga tunay na zarzuela kahit na noon pa. Hindi nga kami nagkamali, nang makausap namin ang kanilang writer, director, at lead actor na si Vince Tañada, talagang malaki ang inabot ng kanilang production cost.

Ang pinaka malaking gastos doon ay iyong music. Puro orihinal ang kumposisyong ginamit, maliban sa kapirasong bahagi ng dalawang traditional na kanta. Iyon lamang choral recording, accompaniment ng orchestra, at ang matindi roon ang mga musical arrangements. Aba sa tingin namin, mas malaki ang kanilang production cost kaysa sa mga indie films, at mas mabuti pang panoorin ang Filipinas 1941 dahil educational pa, kaysa naman sa mga indie na karamihan ay walang katuturan.

Kumbinsido kami na iyon ay isang naiibang thea­tre experience. Iyan ang masasabi mong lehitimong tanghalan talaga. Inirerekumenda namin ang Filipinas 1941, at makikita ninyo ang tunay na kasaysayan ng digmaan sa likod ng isang love story. Maganda ang palabas.

Aljur puwede sa multi-level marketing

Ok nga lang siguro ang ginagawang pagre-rebelde ni Aljur Abrenica sa kanyang home net­work. Kung maipit man ang kanyang career, siguradong may pupuntahan siya. Hindi ba uso ngayon sa mga artistang wala nang assignment ang pumasok sa multi-level marketing ng kung anu-anong produkto? Siguro iyon ang maaaring pasukin ni Aljur pagkatapos ng kaso niya laban sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

FILIPINAS

KRIS AQUINO

MAYOR

MAYOR BISTEK

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with