^

Pang Movies

Aktor na hiwalay sa asawa at may mga anak, panay ang ligaw kay Rhian Ramos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kilala ko na ang masugid na manliligaw ni Rhian Ramos, pero hindi ko muna sasabihin ang name ng mhin. Isang clue lang ang ibibigay ko, artista rin ang mystery suitor ni Rhian.

Basta ang masasabi ko, madalas na nagbabantay ang mhin sa taping ni Rhian.

Ewan ko lang kung may tsansa ang panliligaw ng mhin kay Rhian dahil hiwalay siya sa asawa at may mga anak.

Pero hindi natin dapat makalimutan na may anak din si DJ Mo nang maging boyfriend ito ni Rhian. Hiwalay din si KC Montero sa ex-wife na si Geneva Cruz nang maging girlfriend niya ang anak-anakan ni Lorna Tolentino sa My Destiny.

Baka sakaling mapasagot ng mhin si Rhian kung magiging matiyaga siya sa panunuyo sa aktres na nag-dialogue noon na hindi muna makikipagrelasyon pagkatapos ng break up nila ni KC.

Alden lalong iniinggit si Aljur

All over si Alden Richards sa mga programa ng GMA 7 ha?

Nagkataon lang at hindi sinadya na nagkasunud-sunod ang mga TV guesting ni Alden. Hindi totoo na may intensyon na inggitin si Aljur Abrenica kaya sobrang visible si Alden sa mga show ng Kapuso network.

Nakapag-taping na si Alden para sa Magpakailanman at Vampire ang Daddy Ko bago pa nag-file si Aljur ng petition sa korte para pakawalan siya ng GMA 7.

Mainstay si Alden ng Sunday All Stars kaya napanood din siya kahapon sa Sunday afternoon show ng Kapuso Network.

Aktor na bading gusto na ring magladlad

Iniintriga ang aktor na kinaiinggitan nito ang aspiring actor na umamin na bading.

Matagal nang natsitsismis na bading ang aktor at may mga hula na maglaladlad din siya kapag nagkaedad na. Walang naniniwala sa pralala ng aktor na maligaya siya sa piling ng kanyang girlfriend dahil maugong ang tsismis tungkol sa pagiging baklita niya.

AiAi nairaos ang concert kahit hinihika

Nagpapasalamat si AiAi Delas Alas sa lahat ng mga nanood ng Macho Gwapita, ang concert nila ni Rico Puno sa Solaire Grand Ballroom noong Sabado.

Sold out ang tickets kaya punung-puno ng audience ang venue ng Macho Gwapita.

May dahilan para magpasalamat nang todo si AiAi dahil sinusumpong siya ng hika habang nagaganap ang show nila ni Rico.

Naitawid ni AiAi ang concert sa tulong ng mga gamot na itinurok ng kanyang doktor.

Bawal magkasakit si AiAi dahil may concert pa sila nina Martin Nie­vera at Pops Fernandez sa Davao City sa August 1.

Sa August 3 naman ang gala premiere sa CCP Main Theater ng Ronda, ang indie movie na pinagbibidahan niya at official entry sa New Breed Category ng 10th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Carla parang GF kung suportahan si Tom

Nakita si Carla Abellana na todo suporta kay Tom Rodriguez sa Philpop 2014 noong Sabado ng gabi sa Meralco Theater.

May mga nagduda na may katotohanan ang mga tsismis na lihim na nagkakagustuhan ang dalawa na hindi masama dahil single si Tom at hindi pa nakakahanap si Carla ng ipapalit sa kanyang ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Hindi pinalad si Tom na manalo sa Philpop 2014 pero marami ang nagkagusto sa kanyang kanta na may title na Langit Umaawit.

Ang sabi ng mga nakarinig sa kanta ni Tom, puwedeng-puwede ito na gamitin bilang theme song ng My Destiny, ang primetime teleserye nila ni Carla sa GMA 7.

Pang-aabuso kay Hayden binubuhay na naman

Hindi rin bago ang kuwento ni Hayden Kho, Jr. na nakaranas ito ng pang-aabuso noong bata pa siya.

Paulit-ulit na ikinukuwento ito noon ni Hayden pero pinagmumukhang bago ng mga nakarinig at nakakapanood sa mga interview sa kanya buhat nang piliin niya ang tuwid na landas.

Nasangkot din si Hayden sa sex video scandal pero hindi na ito pinag-uusapan. Balewala na ang isyu sa mga Pinoy na magaling sa umpisa, pero madaling magsawa kapag paulit-ulit ang mga eskandalo. Likas na ningas-kugon ang mga Pilipino na palaging naghahanap ng mga bagong tsismis na pagpipistahan at pag-aaksyahan ng panahon.

vuukle comment

CARLA

HAYDEN

MACHO GWAPITA

MY DESTINY

RHIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with