^

Pang Movies

Kaya todo-kayod: Anak nina Ryan at Juday na si Lucho sobrang lakas kumain

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Happy si Ryan Agoncillo na kahit Sunday ang timeslot ng sitcom nilang Ismol Family, after Vampire Ang Daddy Ko, mas dumarami ang viewers nila, kaya lagi raw masaya ang ta­ping nila. Bakit daw hindi, eh ang mga co-stars niya ay mahuhusay sa comedy, like Carmi Martin, Pekto Nacua, Kevin Santos, Natalie Moon, at kahit sanay sa drama sina Carla Abellana at Mikael Daez at ang mga bagets na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali plus ang gumaganap na anak nila ni Carla, si Marc Justine Alvarez, hataw din silang magpatawa.   Breather din iyon kay direk Dominic Zapata na drama ang forte.

Natanong si Ryan kung sakali bang magkaroon muli ng bagong show ang wife niyang si Judy Ann Santos, papayag siyang katapat muli ng show niya tulad nang nangyari sa kanyang Picture Picture at Bet On Your Baby ni Juday?

“Hindi na kami papayag,” sagot ni Ryan.  

Biro pa ni Ryan, kailangan niya talagang tuluy-tuloy na may trabaho dahil ang lakas daw kumain ng anak nilang si Lucho who is only four years old.  Habang kausap namin si Ryan sa set ng Ismol Family, nag-text si Juday na nakaubos daw ng three pieces chicken at isang pancake ang anak.  Paborito raw nito ang inihaw na hito at tenderloin steak.  Payat daw si Lucho pero batu-bato ang katawan kaya mabigat kargahin.

Aljur ‘di na puwedeng lumabas sa GMA?

Launch ngayon ng TV commercial ng isang brand of coffee na ini-endorso nina Marian Rivera, Iya Villania, Christian Bautista, at Aljur Abrenica sa Sunday All Stars.  For sure, hindi na makakasali sa pagpu-promote sa GMA 7 si Aljur dahil sa kasong isinampa niya laban sa network.  Mukhang magkakaproblema rin ang agency o ang manufacturer ng brand of coffee dahil kay Aljur. Baka naman payagan din ng GMA na maipalabas ang TVC kahit nandoon si Aljur dahil nagawa na ito, hindi pa man nagsasampa ng demanda laban sa kanila ang aktor.  Hindi naman siguro sila kamukha ng isang network na tinatanggal ang eksena ng isang actor sa trailer ng movie nito dahil may tampo sila rito.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BET ON YOUR BABY

BIANCA UMALI

CARLA ABELLANA

CARMI MARTIN

CHRISTIAN BAUTISTA

ISMOL FAMILY

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with