^

Pang Movies

Aljur hindi muna nagtanong kina Willie at Sarah!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Talagang magugulat ka sa ginawa ni Aljur Abrenica, dahil ang alam ng lahat, siya ang “nino bonito” ng GMA 7.

Bakit nga ba hindi mo iisipin ang ganoon, eh lahat ng mga prime assignments ibinibigay sa kanya. Bukod doon, kahit na sabihin mong bagsak ang ratings ng kanyang mga serye, lumalabas na bida pa rin siya. Doon nga sa huli niyang serye, na obviously ay tinapos naman agad dahil bagsak ang ratings, sobra ang ginawang promo sa kanya. Nagmukha ngang kawawa roon si Mike Tan, support na nga iyon, lahat pa ng publisidad naka-focus kay Aljur. At saka aminin naman natin, sino ba naman iyang si Aljur Abrenica bago siya napulot ng GMA 7? Kung may network mang magkaroon ng interest sa kanya ngayon, iyon ay dahil sa ginawang pamumuhunan sa kanya ng GMA 7.

Natawa pa kami sa sinasabi ni Aljur na wala raw pakundangan ang GMA dahil ang mga ta­ping nila ay inaabot ng madaling araw. Masama raw iyon sa kanyang kalusugan. Sino ba namang network ang hindi inaabot nang hanggang madaling araw ang taping, sabihin nga ninyo? Nagrereklamo pa si Aljur dahil ang pinalulutang daw sa mga role niya ay sexy siya, natatakpan tuloy ang husay niya bilang isang actor. Naku naman, huwag mo akong patawanin Salve A.

Dahil diyan, humihingi pa si Aljur ng mahigit na isang milyong pisong moral at exemplary damages, bukod pa sa attorney’s fees na 800 libong piso, bukod sa pagpapakawala sa kanyang kontrata sa network na tatagal pa hanggang 2017 sana. Hindi naman daw kasi nag-renew ng kontrata si Aljur, pero ginamit ng GMA ang kanilang sole option sa contract na i-extend iyon ng tatlong taon pa. Eh bakit naman kasi pinirmahan nila ang ganoong kontrata simula’t simula pa?

Ano ang kalalabasan niyan para kay Aljur? Aywan kung may kukuha pang network sa kanya, dahil siyempre sa ginawa niyang iyan sa GMA kung saan siya nagsimula at nagtiwala sa kanya noong panahong wala pa naman siyang naipapakita, at patuloy na nagtaguyod sa kanyang career at sumugal sa kanya kahit na ilang ulit na silang natalo, imposible bang gawin niya ulit iyan sa kanyang lilipatan?

Ikalawa maaaring magsampa rin ng claims ang GMA, na pakakawalan nila si Aljur pero kailangang bayaran din niya ang mga lugi ng kumpanya kung hindi niya itutuloy ang kontrata.

Hindi pa sila natuto. Tingnan ninyo, ano ba ang nangyari sa career ni Sarah Lahbati? Ano rin ba ang nangyari sa career ni Willie Revillame? Parehong may potentials iyang dalawang iyan ano man ang sabihin ninyo, pero mukhang walang network na magkainterest sa kanila nang husto dahil sa mga nauna nilang diskarte laban sa mga network na pinaglingkuran nila. Kasi ganoon nga ang iniisip, nagawa na nila iyan uulitin pa ba.

Sa ngayon hindi makapagmamalaki ang mga artista, lalo na iyang wala pa namang napapatunayan talaga. Maraming gustong maging artista, sampo isang pera. Maraming maipapalit ang isang network dahil sila ang may kakayahan na lumikha ng stars. Iyang mga stars, hindi sila makagagawa ng network. Ano man ang sabihin nila.

Kaya nga ang mga artistang ganyan na nagwawala laban sa kanilang mga network, na hindi man lang tapusin muna sana ang kanilang mga pinirmahang kontrata noong sila ay wala pa namang binatbat, the end na iyan.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANO

DAHIL

GMA

KANYA

MARAMING

NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with