^

Pang Movies

Ano kaya ang kasalanan ng aktor? Piolo pilit pa ring pinababagsak

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaawa si Piolo Pascual, tuwing may teleser­yeng ipalalabas, palagi na lang kabekian ang topic na lumalabas about him.

Pinipilit siyang magsalita gayung nasabi na niya lahat from a-z. Mahirap din ang sikat, pilit inilalaglag. Hindi man ako close sa manager ng actor, ipinagtatanggol ko si Piolo dahil isa siya sa pinakamarespetong artista. No wonder na pilit siyang inilalaglag ng mga detractor. Wala na bang ibang topic na puwedeng itanong ang mga nang-iintriga sa kanya?

Sa totoo lang nakakasawa na rin ang mga paulit-ulit na katanungan tungkol sa kabaklaan. Wala namang sense at pakinabang na mapapala. Itutok na lang ng mga basher ang oras nila sa bagong serye niyang Hawak Kamay. Masuwerte ang babaeng mapapangasawa ni Piolo, nakatitiyak na ang security at hindi na kailangan pang magpuyat sa taping. Kaso non-showbiz girl yata ang type ng aktor.

Fans mas gustong sintu-sinto si Miguel

Nasaktan si Luz Valdez, matapos ipakilala kay Lito Legaspi sa shooting sa Pagsanjan, Laguna, at hindi siya matandaan ng huli. Napaiyak na lang si Luz sa kahihiyan. Pero teka huwag seryosohin ang kwento dahil part lang ito ng istoryang Niño na pinagbibidahan ni Miguel Tanfelix. Nagka-amnesia si Lito at nakalimutang syota niya ito noong araw.

Marami ang pumupuri kay Miguel dahil magaling itong umarte na produkto ng Starstruck Kids. Kaya lang may nagkomento, mas bagay sa kanya ‘yung ayos abnoy kesa normal. Nagbago ang character ni Miguel sa ending ng istorya. Wala pa ring kupas si Gloria Romero, ang artistang may pinakamagandang mukha sa showbiz na hindi man lang naging beauty queen ng kanyang panahon.

Wala na kaming ‘tulay’ kay Gob. Vi

Nakikiramay kami sa pamilya ni Aida Fanda­lian, ang confidante at kaibigan ni Gov. Vilma Santos, sa pagyao nito kamakailan. Hindi man sabihin, alam naming malaking kapilayan ito sa butihing Gobernadora. Karamay-damay niya si Aida sa lahat ng mga lakad niya. Siya rin ang kontak namin tuwing may bilin si Gov Vi.

Nakalulungkot isipin, nawalan na kami ng tulay para makarating sa kinaroroonan ng butihing Gobernadora ng Batangas. Nakikiramay po kami.

Michael V at Bentong hindi na makahatak ng kapwa artista?

Bakit naman tila yata nagkaubusan na ng guest stars para sa  Bubble Gang? Kung noong araw ay kagulat-gulat sa rami ang mga bisitang artista nina Micheal V. at Bentong, ngayon ay parang waley na?

                                            

vuukle comment

AIDA FANDA

BENTONG

BUBBLE GANG

GLORIA ROMERO

GOV VI

MIGUEL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with