^

Pang Movies

JC inuuna ang pagpapayaman kesa pagdyowa

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit natapos na ni JC de Vera ang The Legal Wife, wala pa rin siyang pahinga dahil may isa pa siyang seryeng umeere, ang Moon of Desire at kasabay nito ay ginawa niya ang pelikulang Once a Princess with Erich and Enchong Dee.

“’Tapos right now, may ginagawa kami ulit ni Erich na isa pang movie. Wala pa rin actually na pahinga. Hindi pa rin naman ako nakakabawi.

“Palagi kong sinasabi na every time I wake up, nagpapasalamat lang ako kay Lord. ‘Yun lang. Tingin ko, Siya talaga ang nagbibigay sa akin ng strength every day.

“Hindi ko rin alam kung paano ako nakaka-survive pero there was one time na na-hospitalize na ako, napagod na. Napapagod din pala (ako).”

Pero aminado naman siyang ito naman talaga ang gusto niya – ang maraming trabaho.

“There’s nothing to complain naman. ‘Yung pagpunta ko sa hospital, kailangan lang ipahinga talaga for a while. Well, after kong maospital, ganu’n ulit, eh. Sunod-sunod ulit,” he said.

So, ang paghahanap daw ng prinsesa ay hindi niya pa talaga maisingit.

“Sabi ko nga, sumama kayo sa akin araw-araw at makita n’yo kung sino ang nakakasama ko everyday. Batang taping ako sa ngayon,” natatawa niyang say.

“Tine-take ko lang ‘yung magagandang op­por­tunity ngayon na mayroon akong nagagawang magagandang projects, nakaka-save ako nang malaki, I’m doing out of town shows, out of the country shows, which I didn’t do before, ‘di ba?

“Tapos siyempre, pagdating sa fi­nances, since marami akong kita, ma­ganda ang pasok ng income. Mas marami akong natutulungan like ‘yung family ko, nakakapag-invest ako sa mga magagandang bagay.

“So, maraming magagandang bagay ang nangyayari ngayon, so hindi muna ako nagdi-deal muna sa paghahanap ng prin­sesa,” dagdag pa niya.

Hindi raw niya alam kung kailan tatagal ang magagandang pangyayaring ito kaya talagang gina-grab daw muna niya.

Pero nagde-date naman siya?

 “Wala, eh. Sa camera, du’n lang ako nagde-date,” say niyang natatawa. “But I’m still hoping na someday, siyempre hindi mo naman masasabi.”

Ricky heaven ang pakiramdam nang makipaglaplapan kay Jason

Sa indie film na Separados na entry sa Cinemalaya Film Festival 20014 under New Breed Category, isang closet queen ang role ni Ricky Davao at may kissing scene sila ni Jason Abalos.

Marami na ring gay roles na nagampanan si Ricky at hindi na bago sa kanya ang pakikipaghalikan sa kapwa lalaki.

Kaaliw ang tanong sa kanya kung paano niya iko-compare si Jason sa ibang mga nakahalikan niya at bumilib kami dahil game naman itong sinagot ng magaling na actor/director.        

 “Iba-iba kasi, eh. Katulad nun’g kay Allan Paule (sa pelikulang Ang Lalaki sa Buhay ni Celia), sobrang ano ‘yun, eh. Lover ko talaga siya. Kung baga, ina­ruga ko, inalagaan ko, so, ‘yung halikan naming do’n, intense, passionate. Take 3 nga ‘yun, eh,” kwento niya.

Pitong beses naman daw niyang hinalikan si Christopher de Leon sa         another movie naman.

 “Take 7, iba-ibang anggulo, sa Queensboro Bridge sa New York. Nanonood si Sandy Andolong (Boyet’s wife), si Tita Lilia Dizon (Boyet’s mother), nanonood silang lahat, naka-jacket sila, nasa labas sila, ‘yung kotse namin, nasa truck. Paikut-ikot kami do’n. So 7 times ‘yun.

 “Si Christopher mahirap kahalikan, ang kapal ng bigote. Kinakati ako,” kwento pa ni Direk Ricky.

Dito naman sa Separados, say ng actor/director, malambot daw ang lips ni Jason.

“Kay Jason, nagulat ako kasi siya ‘yung umano. Kilig-kiligan lang,” sabay-tawa.

 “Ang hirap anuhin, ano? ‘Yung kilig, eh. Siguro lahat naman sa atin, may certain quality tayo na. . .di ba, mayroon tayong soft side and tough side.

 “Eh minsan, siyempre, you have to give in also sa ganun’g ano. ‘Yung sa amin ni Jason, click lahat at saka first time kong nakipaghalikan na ang daming babaeng nakapaligid, lahat nakatingin kasi it happened in a bar. Tapos biglaan. So talagang heaven,” say niyang natatawa pa rin. 

vuukle comment

AKO

ALLAN PAULE

ANG LALAKI

NAMAN

NIYA

TAPOS

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with