^

Pang Movies

Aljur idinawit si Kylie sa problema sa GMA

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naglabas uli kahapon ng  “short but sweet” official  statement ang GMA Network Inc. tungkol sa kontrobersya na inumpisahan ni Aljur Abrenica.

 “GMA Network does not release its talents from their existing contracts without a valid cause or basis particularly if the reasons cited by its talents are not true. We will respond to the issue when we receive a copy of Aljur Abrenica’s complaint.”

True na hindi pa natatanggap at nababasa ng mga legal counsel ng GMA 7 ang nilalaman ng petition ni Aljur. Nauna pang lumabas sa Internet ang kopya ng mga hinaing ni Aljur sa buhay.

May isang parte sa petition na parang sinisisi ni Aljur ang GMA Artist Center sa break up nila ni Kylie Padilla.

Klarung-klaro ang sinabi noon ni Kylie sa exclusive interview sa kanya ng Startalk. Si Aljur ang nakipag-break sa kanya sa pamamagitan ng isang phone call kaya may reason si Robin Padilla na maimbyerna.

Baka mairita uli si Robin kapag nalaman nito na special mention ang pangalan nila ni Kylie sa petition ni Aljur na ipawalang-bisa ng korte ang kontrata niya sa GMA 7.

Dapat mabahala si Aljur dahil nega ang lahat ng mga komento tungkol sa ginawa niya laban sa kanyang home studio.

Kung totoo nga ang pralala niya na mag-aaral siya, mabuti pa na ipagpatuloy ni Aljur ang plano na bumalik sa school dahil siguradong pahinga muna siya sa showbiz mula ngayon hanggang 2017.

Baka sakali na nakatapos na siya ng kurso kapag natapos na ang kanyang kontrata sa Kapuso Network pero hindi pa sigurado na mababalikan niya ang showbiz dahil malinaw na nakasulat sa lahat ng  kontrata ng GMA 7 na ito ang may option to renew.

May mga nagsasabi na malakas ang loob ni Aljur na kumawala sa GMA 7 dahil sa kanyang bagong endorsement.

Hindi dapat makalimutan ni Aljur na ang GMA 7 pa rin ang nagbigay sa kanya ng product endorsement. Paano pa magiging effective na celebrity endorser si Aljur  kung hindi na siya napapanood sa TV?

Aljur hindi natuto sa aktres na natalo sa korte nang hindi galangin ang kontrata

Balik-Startalk ako ngayong hapon at ang drastic move ni Aljur laban sa Kapuso Network ang isa sa mga pag-uusapan namin ng mga co-host ko.

Hindi na yata naabutan ni Aljur ang nangyari sa kaso ng isang aktres na hindi iginalang ang kontrata sa GMA 7.

Ano ang ending? Natalo sa court battle ang pasaway na aktres na tuluyan nang nawalan ng career dahil hindi siya puwedeng umapir sa ibang television station. May mga tao talaga na hindi natututo sa karanasan ng iba.

Mahusay na dramatic actress hindi na makaiyak

Nakakaloka ang aktres na mahusay na dramatic actress pero hindi na makaiyak.

Wondering ang fans ng aktres dahil parang natuyuan na siya ng tubig sa katawan. Hindi na siya makaiyak sa mga eksena na required ang kanyang pagluha.

Nanghihinayang ang mga nanonood sa drama show ng aktres dahil kulang na kulang ang acting niya. Iniisip nila ang mga possible reason kaya hirap na hirap sa pag-iyak ang aktres, kahit sobrang drama ng kanyang mga eksena. Mas nauuna pa na maiyak sa inis ang mga nanood sa aktres na malaki ang problema sa pag-iyak!

vuukle comment

AKTRES

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ARTIST CENTER

DAHIL

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with