^

Pang Movies

Matapos bigyan ng career, Aljur kinasuhan ang GMA

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natuloy ang pagsasampa ni Aljur Abrenica ng civil case na Judicial Confirmation of Resolution/Rescission of Contract laban sa GMA, Inc. kahapon. Kasama niya ang lawyer niyang si Atty. Ferdie Topacio nang isumite sa Hall of Justice ang papeles.

Hindi agad makapagsalita si Aljur nang kuyugin siya ng press. Pero nang umaprub si Atty. Topacio na puwede siyang magsalita, hindi naman siya nagdamot.

“Unang-una po, maraming-maraming salamat sa pagpunta ninyo. Kaya po ako nandito ngayon…Sa totoo nga lang po, ayokong umabot sa ganito.

 “Ako po ang huling taong dedesisyon na gagawa nito.

 “Ako po eh…Kaya po nandito ako ngayon, kasi po, hindi po ako nabigyan ng pagpapahalaga sa…At respeto po. Sa career na gusto kong mangyari.

 “Sana po, ang masasabi ko lang po, alam ninyo naman kung bakit ako nandito, basta sa kabila ng lahat, ang dasal ko po sana ay lahat po ay…May matutunan ang magkabilang panig.

 “At pinagdarasal ko po na pagkatapos po nang lahat ng ito ay magkaroon ng magandang relasyon ang dalawang panig. Kasi hindi ko po malilimutan…” pahayag ni Aljur.

Gaano katagal niyang pinag-isipan ang pangyayari bago siya nagreklamo?

 “Katunayan po, matagal na po. Taon na po! Sabi ko nga, ako po ‘yung ayokong umabot nang ganito. Hangga’t maari, gusto ko pong ayusin. Pero with the guidance ng tao sa paligid, guidance ng mga magulang ko, mula sa Panginoon, inilaan ko talagang pumunta sa hukuman,” rason ng actor.

 Pagdating sa detalye, walang sinabi sa media si Aljur. Eh base sa statement ng actor bago magsalita, may ilang dahilan kung bakit humantong sa hukuman ang Starstruck V winner.

 “Nagpapasalamat po ako sa tiwala ng GMA at oportunidad na ibinigay nila sa akin sa loob ng limang taon sa industriya. Ito po ay hindi ko malilimutan. Pero nitong nakaraang taon, hindi na po ako masaya sa pangangalaga nila dahil sa wala na akong nakikitang maganda sa direksyon na pupuntahan ng aking career bilang isang seryosong actor at musikero. Lalung-lalo na po nitong mga nakaraang buwan, pakiramdam ko nabastos pa ang dignidad ko dahil sa pinaplano nila sa akin. At nainsulto po ang kakayahan ko bilang isang actor kaya humihingi po ako ng release sa pangangalaga nila. Ako ay hindi nila pinagbigyan kaya’t ikinalulungkot ko na wala na akong ibang magagawa kung ‘di dumulog sa hukuman.”

Sa ginawa ni Aljur, agad nagpalabas ng statement ang Assistant Vice President-Corporate Communications na si Angel Javier.

 “GMA Network has not received a copy of the complaint filed my Mr. Aljur Abrenica. A statement will be issued when we have received and reviewed the content of the complaint.”

Nasabi rin ni Aljur na walang network na involve sa kanyang paglipat.

Sunshine wala nang appetite sa mga lalaki

Nagmumura ang alindog ni Sunshine Cruz nang humarap sa media bilang endorser ng White Glo Crave Away toothpaste. Malaking tulong daw ito upang ma­walan siya ng appetite sa pagkain na sikreto ng katakam-ta­kam niyang katawan ngayon na parang hin­di tatlo ang anak, huh! Pero more than being sexy, mas sentro ng atens­yon nga­yon ni Shine ang muling pagsigla ng career kaya pati mga suitors ay wala siyang panahon.
“Naku hindi ko iniintindi ang mga ‘yan! Hindi pa annulled ang kasal ko kaya ayokong magkaroon muna ng sakit ng ulo!” katwiran ni Sunshine.
On­going na ang annulment case nila ni Cesar Montano at wala pang hearing na nagaganap kaya wala pa siyang maibigay na sagot.

Ano ba ang gusto niyang maging boyfriend, younger or older guy?

“Yung kaedad ko! Siyempre mahirap magsalita ng tapos pero kung meron ako iku-consider, sana naman kaedad ko like 40s o kung mas bata, 30s!” rason niya.

So kung nawawalan siya ng craving sa food sa White Glow, sa lalaki meron pa ba? “Hahaha! Sa ngayon nawala na craving ko sa lalaki! Ang aking gana ngayon ay sa anak ko at sa pagtatrabaho!” dahilan ni Shine.

Pero guwapo at fresh pa rin si Cesar huh! “I know! He looks good at his age! Hahaha! “Pero wala na! Nasa vault na ang puso ko!” diin ni Sunshine na malayo nang makipagbalikan uli sa dating asawa.

Ryzza Mae tiba-tiba sa tatlong boys!

Jackpot si Ryzza Mae Dizon nu’ng nakaraang araw sa kanyang The Ryzza Mae Show. Tatlong “lalaki” kasi ang nagpasaya sa kanya bago siya sumalang sa morning show.

Una, guest si Derek Ramsay para mag-promote ng Trophy Wife. Kilig-kiligan siyempre ang Aleng Maliit sa hunk actor.

Then, maya-maya ay dumating si Jacob na winner sa That’s My Boy ng Eat Bulaga. Eh, vocal si Ryzza sa pagsasabing crush niya ang bagets nu’n pa man na hindi pa winner ang bata, huh!

Tapos ay biglang dumating ang bunsong anak ni Niño Muhlach na si Alonzo. Four years old pa lang ang bata na ikinabaliw ni Ryzza ang pagiging bibo, huh! Naging talk of the town si Alonzo nang mag-guest sa Pinoy Big Brother All in.

Kinuha si Alonzo sa festival entry ni Vic Sotto na My Big Bossing’s Adventure bilang kapareha ni Ryzza. That time, kasama ng mag-ama ang kaibigang si Aster Amoyo na tumatayong manager ng mag-ama pati na ang isa pang anak ni Onin na si Alessandro.

‘Yun nga lang, sa post ni Dondon Monteverde sa kanyang Instagram account, kanyang ni-welcome ang mag-amang Niño at Alonzo. Inintriga namin si Kumadreng Aster tungkol dito at aware naman siya. Kasi, wala si Aster sa picture na ‘yon.

Kaya naman double mean­ing ang pag-welcome na ‘yon ni Dondon sa mag-ama. Welcome to his stable of talents or welcome sa pagiging cast ng Tiktik: The Aswang Chronicles 2 na entry ng kumpanya niya at GMA Films sa MMFF?

Mag-iimbestiga raw si Kumadreng Aster sa naglalabasan na isyu pero nag-text siya sa lahat ng members ng Professional Artist Ma­nagement, Inc. na siya ang manager ng magkapatid na Alessandro at Alonzo, huh!

JC, Enchong, at Erich magtitikiman

Pagsasaluhan nina JC de Vera at Enchong Dee ang alindog ni Erich Gonzales sa co-production ng Skylight Films at Regal Entertainment, Inc. movie na Once a Princess. Take note na hindi ito isang romantic-comedy na pawang pakyut ang eksena nina Erich-Enchong kundi mature drama, lalo na’t si Laurice Guillen ang direktora.

Adult drama ang OAP na inspired ng Precious Hearts Romances national best-seller na pareho ang title mula kay Angel Bautista. Ang nasabing kuwento ang tumanggap ng PH Novel of the Year nu’ng 2012 at Filipino Reader’s Choice Award for Novel in Filipino nu’ng 2013.

Eh, sa pagsali ni JC de Vera sa movie, siguradong magliliyab ang screen sa maiinit na eksena lalo na’t isa ang aktor sa sexiest leading men ng Kapamilya Network dahil sa programang Moon of Desire!

Gone are the days na sweet-sweetan si Erich dahil nag-let go na siya sa image na virgin-virgin-an ngayong dalawang lalaki na ang makakaulayaw niya, huh!

vuukle comment

AKO

ALJUR

ALONZO

KAYA

NANG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with