^

Pang Movies

Gabby sasali sa beauty contest

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Back to work after his laparoscopy si Gabby Eigen­mann a week ago dahil wala na siyang nakabangkong mga eksena sa Dading.  

Maraming kuwentong naririnig si Gabby kapag lumalabas siya. Minsan daw sa mall, may mga nagbubulungan na “bading na yata siya talaga.” Kasama raw niya noon ang family niya, nginitian na lamang niya ang nagsalita at sinabayan ng kaway-bading.  

Mamayang gabi, patutunayan ni Gabby na kahit anong role, kaya niyang gampanan. Hindi ito ang first time niyang gumanap na beki, pero first time niya sa soap na sumali siya sa beauty contest, na ang mapapanalunang halaga ay magagamit para makalipat na sila ng Manila ng anak na si Precious at makasama ang asawang si Beth (Glaiza de Castro). Tingnan ninyo kung gaano ‘kaganda’ si Dading.

Heart lumambot na ang puso sa ina

Sayang at hindi nakarating sa last presscon ng Trophy Wife si Heart Evangelista pero present sa Viva Live @Me­trowalk (dating The Library), sina Derek Ramsay, Cristine Reyes, at John Estrada.  Hindi rin nakadalo si Direk Andoy Ranay na kahit may sakit ay nag-report pa rin sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA 7 dahil kinunan na niya finally, ang confrontation scene nina Maricel Soriano at Lovi Poe.  Ang movie ay produced ng Viva Films at MVP (Multi Vision Pictures Entertainment Philippines).

Gusto pa naman naming malaman kay Heart kung malapit na rin silang magkabati ng mommy niya, dahil ayon sa actress nang mag-guest sa KrisTV, nagkabati na sila ng daddy niya, at last week pina-ßdalhan daw niya ito ng maraming dog foods dahil maraming alagang aso ang ama. Nagpasalamat daw ang daddy niya at nagustuhan ang mga ipinadala ng aktres. Hopefully daw ay susunod na nga ang pagbabati nila ng mommy niya.

Since nakapag-guest si Heart sa KrisTV, natanong tuloy sa presscon si Derek kung bakit hindi siya pwedeng mag-guest, kahit sa show ng best friend niyang si Kris Aquino, para mai-promote din niya ang Trophy Wife.  Mabuti na raw lamang at si Cristine ay pwedeng-pwedeng mag-promo­te sa ABS-CBN. Malungkot ngang sinagot ni Derek na hindi raw niya alam kung kailan siya kakausapin ng network na iniwanan niya, para naman siya makapagpaliwanag.  

Ilang beses na raw siyang nag-try pero hindi siya naging successful na makatanggap ng sagot. 

Cristine 18 pa lang nang magpa-sexy

Ang Trophy Wife na nga ba ang huling sexy movie na gagawin ni Cristine Reyes?  

Parang kahit saan daw siya pumunta, sinasabing sexy siya, ayaw na raw niya ng too much attention from the boys.  

Eighteen years old pa raw lamang siya ng una siyang mag-pose sa FHM magazine for men, and now she’s already 25 na, kaya parang nagsasawa na siya.  

Gusto na raw niyang makagawa ng seryosong pro­jects o kaya gusto niyang i-try naman ang co­medy.  

Itinanggi niyang kaya ayaw na niyang magpa-sexy dahil sa Persian suitor niya.  

Wala raw kinalaman ang guy dahil unang-una, hindi raw naman niya boyfriend ito kahit one year na silang nagdi-date.

vuukle comment

ANG TROPHY WIFE

CRISTINE

CRISTINE REYES

DEREK

NIYA

RAW

SIYA

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with