^

Pang Movies

Kaya blooming, Erich tatlong taon nang ‘nadidiligan’!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Balik-tambalan sina Enchong Dee at Erich Gonzalez sa pelikulang Once a Princess ng Skylight Films and Regal Films. At may bonus pa dahil ka-love triangle nila ang magaling na aktor na si JC de Vera.

Sa presscon na ginanap last Wednesday para sa nasabing pelikula, ayon kina Erich at Enchong ay sobrang kumportable na talaga nila sa isa’t isa, to the point na wala na silang hiyaan pa.

“’Yung connection namin, kahit ako, hindi nagsasalita or siya hindi nagsasalita, alam na po namin ang isa’t isa,” say ni Erich.

Napakarami na rin daw pinagdaanan ng kanilang loveteam at dumaan din sila sa mga away-away na tipong hindi nag-uusap.

“Kaya ngayon, mas close na kami. Dumaan kami sa point na, “sige trabaho lang ‘to, wag na lang mag-usap,” parang ganu’n. Pero ngayon, we’re very open,” say ni Erich.

Pero kung bakit hindi naging sila, ‘yan din daw ang itinanong na nila sa isa’t isa. Siguro raw ay they’re better off as friends talaga.

 “Kasi kung nagkaroon kami ng relasyon dati, baka ngayon, hindi na namin gustong katrabaho ang isa’t isa because we had a past,” say ni Enchong.

Sa ngayon ay pareho naman silang masaya sa kani-kanilang love life. Pareho silang may non-showbiz boyfriend/girlfriend at nagsusuportahan daw sila sa relasyon ng isa’t isa.

Showing na sa August 6 ang Once a Princess na base sa hit novel ni Angel Bautista sa Precious Hearts Romances pocketbook at mula naman sa direksyon ni Laurice Guillen.

Nang makausap namin si Erich separetely after the Q and A portion, pinuri siya ng entertainment press na sobrang blooming niya ngayon at aniya, siguro raw ay dahil nga sa happy siya at may peace of mind.

 “Di ba, ‘pag mayroon kang peace of mind, may contentment, lumalabas po talaga ‘yun siguro,” natatawa niyang sabi.

Of course, isa sa dahilan ng happiness ni Erich ay ang kanyang napakagwapo at napakabait na non-showbiz boyfriend. More than three years na ang kanilang relasyon, and so far, okay na okay naman daw ito and very smooth sailing ang lahat.

Matagal nang itinatanong kay Erich kung kailan ba talaga sila pakakasal pero say niya ay hindi pa naman siya engaged sa boyfriend.

Kung sakali bang mag-propose ito sa kanya this year ay ready na siya?

 “Ah, I don’t think anytime soon na magpo-propose siya kasi alam naman po niya na priority ko po talaga ‘yung trabaho ko. Kasi po, bago naging kami, magkaibigan kami nang matagal so, naikukuwento ko sa kanya na marami pa akong gustong gawin at sabi niya, okay lang, he’s willing to wait.”

Napaka-understanding nga raw ng boyfriend, mature, patient, at supportive sa lahat ng kanyang ginagawa.

Sa pelikula ngang Once a Princess ay may love scenes siya with Enchong and JC, pero wala raw selos sa boyfriend dahil naiintindihan nga nito ang nature ng kanyang trabaho.

 “He’s excited na mapanood na at nagpaplano po siya ng block screening kasama ng mga clo-sest friends namin. So, ganu’n siya ka-supportive. Mas excited pa siya,” masayang wika pa ni Erich.

Enchong 15 simbahan ang pinuntahan sa Europe para magpasalamat na nagka-GF

Si Enchong naman ay 7 months na napahinga sa TV at dito sa mga panahong ito siya nakatagpo ng love life. Last year daw kasi ay grabe talaga ang schedule niya dahil talagang one after another ang paggawa niya ng serye.

Answered prayers naman daw ang lahat dahil noon, ipinagdasal niya na magkasunud-sunod ang trabaho at ibinigay sa kanya ng Diyos.

 “Nung ipinagdasal ko na “sana, magkaroon naman ako ng oras sa pag-ibig”, ibinigay din po sa akin kaya answered prayers talaga and very thankful ako,” say ni Enchong.

Kaya nga raw nang magpunta siya sa Europe, mahigit 15 simbahan daw ang kanyang pinuntahan para magpasalamat.

Anyway, non-showbiz ang girlfriend ni Enchong at ayaw na niyang masyadong idetalye pa ang tungkol sa girl dahil nga private person naman ito.

vuukle comment

ANGEL BAUTISTA

DAW

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH

ERICH GONZALEZ

ISA

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with