^

Pang Movies

Takot karibalin si Kris? Ellen mas type si Dennis kesa kay Derek

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tapos na ang chapter sa buhay ng sexy actress na si Ellen Adarna na matagal natetengga sa taping. Nang humingi kasi siya ng release sa GMA Network, hindi naman siya nahirapang kunin ‘yon at agad ibinigay.

Ngayon nga ay maingay na ang pangalan ni Ellen. Mula nang bigyan ng break ng ABS-CBN sa Moon of Desire, naputol na ang pagiging party girl niya. Eh last Monday, pinapirma siya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng four-movie contract.

Sa mga gustong makapareha sa movie, si Dennis Trillo ang isa sa choice niya. Rason niya, “Dati ko nang crush ‘yon eh! Ha! Ha! Ha!”

Posibleng mangyari ang hiling ni Ellen dahil may kontrata rin si Dennis sa Regal. Eh, si Derek Ramsay na kontratado rin ng Regal, gusto ba niya?

“Ahhh, I’ve never met Derek eh. Hindi pa kami nag-meet in person pero hindi ko lang maalala. Pero mas type ko si Dennis eh! Ha! Ha! Ha!” diin niya.

Kumusta naman ang kasama niya sa Kapamilya show?

“Okey naman. Masaya naman sa set namin. Marami kasing Bisaya roon eh! Ha! Ha! Ha! So chika-chikahan lang kami,” sagot niya.

Mas mabuti na nga ang sitwasyon ngayon ni Ellen. Kahit wala nang oras gumimik, mas mabuti na ‘yon kesa walang ginagawa. Katwiran niya, “Mas nakakaloka ‘yung walang ginagawa! Ha! Ha! Ha!”

Mula nang pumasok sa showbiz, nagkaroon ng impresyon na ayaw ni Ellen ng madaming trabaho dahil nga mayaman ang pamilya niya sa Cebu.

“Sa parents ko ‘yon! Wala akong pera! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Hindi na siya masyadong nakakauwi sa Cebu dahil sa hectic na schedule niya. Hindi man nila napag-uusapan ang pagpapaseksi niya, alam niyang nanonood din ang pamilya ng series niya.

Teka, dahil mas napag-uusapan siya sa MOD kesa sa kasama niyang si Meg Imperial, hindi ba nai-insecure ang huli sa kanya?

“Hindi naman siguro! Siya na nga ang bida, tapos, siya pa ang mai-insecure sa akin? Ha! Ha! Ha!” dahilan ni Ellen.

So ano ang gusto niyang maging role sa movies na gagawin niya?

“Wala pa naman akong inkling. Pero masarap mang-away eh! Ha! Ha! Ha! Nakakapagod din ang maging mabait! Mahirap maging mabait. ‘Yun lang…

“Anti-heroine? Ay mahirap din ‘yon. Puwedeng bida-kontrabida!” tugon ni Ellen.

Rocco malabo pang pakasalan si Lovi

Hindi solo ni Rocco Nacino ang gastos nila ni Lovi Poe sa nakaraang biyahe nila sa Europe na nagtapos sa Paris, France. Eh, nagbunga naman ang pasyal ng dala­wa roon dahil nakuha ni Rocco ang “oo” ni Lovi.

Ang pagsagot ni Lovi na maging karelasyon si Rocco ang pinakamalaking regalo na natanggap niya mula sa aktres.  Eh, ang aktor kasi, nu’ng birthday ng aktres last February, isang Lazy Boy na puwedeng maging higaan ang ipinagawa niya sa sasakyan nito, huh!

 “Nasa Poland siya that time. Kinun­tsaba ko ang mommy at driver niya habang nasa Poland siya. Pagsundo ko kay Lovi, nagawa na. Pagbukas ko ng pinto, sabay sabi ko ng, “Happy birthday!’ Tapos, masaya naman siya. Kinabahan nga ako at baka magalit siya! Ha! Ha! Ha!

 “Gamit kasi niya pang-taping ‘yon. Lagi niya kasing sinasabi na nahihirapan siya. ‘Yun ang ginawa ko sa kanya,” pahayag ni Rocco sa pocket interview ng GMA Artist Center kaugnay ng indie movie niya sa Cinemalaya with Nora Aunor.

Sa panig naman ni Lovi, isang mamahaling watch last Christmas at Ferragamo belt na suot niya sa interview ang ipinagmalaki ni Rocco.

April 16 nang sagutin siya ni Lovi sa Eifel Tower sa Paris. Hindi na nga sila nakaakyat sa tuktok dahil madilim na at maraming tao. Sa second floor ng tower naganap ang sagutan.

“Plinano ko na first leg ‘yung trip namin sa Paris. Pero sa circumstances, napunta sa last leg ang Paris. Sabi ko…Well, naramdaman niya rin na it was headed towards that na rin.

“Hindi ako kampante rin dahil kinakabahan ako. Paano kung mag-no? So sabi ko, inaasar ko nga siya na may plan B naman ako. Na itulak siya pababa ng tower! Ha! Ha! Ha!” biro ng aktor.

“Pero hindi siya nag-regret na nag-yes siya sa akin!” dagdag pa ni Rocco.

Sa ngayon, ang kasal naman ang kinukulit kay Rocco. Pero malabo pa rin ‘yon dahil gusto pa niyang mag-aral ng medisina.

 “Saka marami pa kaming gustong gawin! May be after ten years pa mang-yayari ‘yon!” tugon ng aktor.

 

vuukle comment

DAHIL

LOVI

NAMAN

NIYA

PERO

ROCCO

SIYA

YON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with