^

Pang Movies

Sigaw ng taong bayan, totoong relasyon ni Atty. Topacio at Claudine dapat isiwalat!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napanood namin ang Face the People ng TV5 na tumalakay sa kaso ni Claudine Barretto laban sa asawang si Raymart Santiago at ang pagtatanggol sa kanya ni Atty. Ferdinand Topacio.  Naawa kami kay Raymart na walang kalaban-laban sa mga accusations sa kanya ng dalawa.  Pero hanggang sa ngayon, marami pa ring questions tungkol sa mga pasabog na ginagawa nila laban kay Raymart, kung alin ang totoo at gawa-gawaan lamang dahil hindi nagtutugma ang mga nakikita at naririnig ng mga tao.

Ang nakakaloka pa, kasama sa discussion ang sabi’y may relasyon daw sina Claudine at Atty. Topacio at nagpaboto pa sila sa audience kung dapat bang isiwalat ang totoong relasyon nila sa publiko o hindi dapat.  Nanalo ang dapat nilang isiwalat sa tao ang totoong relasyon nila.

Alessandra parang may switch ang emosyon

Very proud si Director Andoy Ranay sa bumubuo ng cast niya ng Ang Dalawang Mrs. Real. Nagkuwento ang very busy director na sunud-sunod ang projects niya, mapa-TV at mapa-pelikula.  Magso-showing pa lamang sa July 30 ang kanyang hu­ling dinirek sa Viva Films, ang Trophy Wife, nagsimula na siyang mag-shooting ng Talk Back and You’re Dead for Viva Films pa rin, headed by James Reid.

Si Maricel Soriano raw ang tipo ng actress who identifies with the role she portrays, kaya doon sa breakdown scene nito nang makitang magkasama sina Anthony (Dingdong Dantes) at Shiela (Lovi Poe), ang tagal daw bago ito nakakawala sa cha­racter ni Millet, nanginig pa ito kaya niyakap na siya ni Dingdong to calm her down dahil nag-alaala na ito sa katambal.  Iba raw naman si Alessandra de Rossi na parang may switch, on and off.  Kahit daw iyakan ang eksena nito, pagkatapos ng eksena, nakikipagtsikahan na siya sa mga kasama sa set.

Relasyon nina Alessandra at Sid lantaran na!

Hindi naman pala dapat mag-worry ni Heart Evangelista kung naikuwento niya sa Startalk na may relasyon na sina Alessandra de Rossi at Sid Lucero, dahil totoo naman kahit nagdi-deny ang dalawa. Na sabi’y nagalit daw sa kanya si Alex. Sa birthday celebration ni Alex kahapon sa Basta Every Day Happy, sino ba ang dumating na special guest kundi si Sid na may dalang long-stemmed red rose plus a kiss sa celebrator. First time yatang nagpakita ng PDA (public display of affection) si Alex.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

BASTA EVERY DAY HAPPY

CLAUDINE BARRETTO

DINGDONG DANTES

DIRECTOR ANDOY RANAY

FACE THE PEOPLE

FERDINAND TOPACIO

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with