^

Pang Movies

Fans natensyon sa paglambitin ni Marian sa tela

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-react ang maraming tagahanga ni Ma­rian Rivera at kinabahan noong magpakita ng dance number na nakabitin lang sa makapal na tela sa stage. Marami ang nagsabi na hindi dapat ito ginagawa ni Marian, mapalakas lang ang rating ng show ng Marian dahil mapanganib. Minsan lang magkamali ay buhay na ang kapalit. Ngayong napatunayan na niya na talagang siya ang dancing queen ng showbiz, tama na daw ‘yon. Huwag na muli itong uulitin. Hindi worth it sa isang katulad niyang maraming talents na puwede pang ipakita. Super kaba tuloy ang inabot ng lola niya, and of course si Dingdong Dantes, hindi biro ang ginawang dance number ni Marian na ‘yon.

 

Artistang taga-Nueva Ecija dumarami na!

Hindi akalaing isang Karla Ford Estrada pala ang magkakaanak na puwedeng bumuhay uli sa showbiz, si Daniel Padilla. Grabe ang karisma ni Daniel sa masa, together with his partner Kathryn Bernardo. Napapansin n’yo ba, invaded ng mga taga-Nueva Ecija ang mundo ng showbiz ngayon? Si Daniel ay galing Pantabangan at si Kathryn naman ay taga-Cabanatuan, Nueva Ecija. Magkababayan ang dalawa. Match na match ang ugali nila, bawal ang magyabang at mang-api ng kapwa. Taga-Cabanatuan din si Paolo Ballesteros, Ryza Cenon, Railey Valeroso, at Barbara Milano, taga-Talavera, Nueva Ecija naman si Willie Revillame, taga-Jaen naman ang producer ng Etni Color na si Randy Mendoza, producer ng Tadhana, starring Joyce Ching at FAMAS winner, Ken Chan.

 

Sexbomb Girls gumigiling at bumibirit pa rin

Sinong may sabing watak-watak na ang grupong Sexbomb Girls? Well, mali ang hula n’yo. Buo pa rin ang grupo, kaya lang may kani-kaniya na silang buhay. Ipinalabas sa nakaraang episode ng Marian, maging si Marian Rivera ay napasayaw nila ng Spaghetti Pataas, Pababa.

Joyce ngayon lang sumabak sa matinding iyakan

Kwento ni Joyce Ching, ngayon lang siya nakaranas gumanap ng matinding drama sa pelikulang Tadhana kasama si Ken Chan. Malaki ang pasasalamat niya sa producer ng Etni Color na si Randy Mendoza sa pagtitiwala sa kanyang talent. 

Personal…. 

Happy first birthday to James Daniel Castro, son of Mr.& Mrs. Mark Jayson Castro of San Pedro, Bustos, Bulacan. Greetings from Analyn Garcia of Josie’s Store, Baliuag.      

vuukle comment

ANALYN GARCIA OF JOSIE

ETNI COLOR

JOYCE CHING

KEN CHAN

NUEVA ECIJA

RANDY MENDOZA

SEXBOMB GIRLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with