^

Pang Movies

Ryan wala nang magagawa sa TP

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa peak of success ang Talentadong Pinoy noon, nang bigla itong tanggalin sa hindi malamang kadahilanan.

Sa aminin man o hindi ni Ryan Agoncillo, nasaktan siya sa pagtuldok na ‘yon sa kanyang show. Parang baby din niya itong inalagaan, tuwing Sunday nandun siya sa studio 5 at hindi pumapalya sa pagpunta.

Ngayong naka-move on na ang actor, biglang may offer na namang balikan ang show, dahil muling bubuhayin ito!

Nabigla si Ryan sa balita dahil matapos tsugiin, muling bubuhayin nga naman ang show. Pero wala na silang magagawa, hindi na puwedeng makabalik uli ito dahil may sitcom siyang kasama si Carla Abellana, sa Ismol Family.

May mga nagsasabi, mahirap balikan ang isang bagay na dati mong hawak. Ewan kung sinong mapipili ng TV5, sa show na nagbibigay pangalan at malaking pera sa naturang network. Nakilala ang TV5 dahil sa talentadong Pinoy.

Ken at Joyce totohanan na ba?!

Magkaibigan lang daw sina Joyce Ching at Ken Chan, magkapareha sa pelikulang Tadhana ng Etni Kolor film produced ni Randy Mendoza.

Napagkaisahan kasi ng naturang production na itambal si Joyce kay Ken. Sa sobrang close ng dalawa, habang nagsu-shooting, napagkamalan silang magdyowa. Akala ng marami, si Ken ang ipinalit ni Joyce sa dating boyfriend na si Kristoffer Martin. Hindi naman nagkamali ang Etni Kolor sa pagkuha kay Ken dahil kamakailan lang, nananalo ito sa FAMAS.

Hindi totoong nagtaas ng presyo si Ken pagkaraang manalo sa FAMAS. Hindi lang naman daw pera ang habol niya, kundi magagandang project sa pelikula o teleserye kaya. 

Piolo nabigo ang pangako sa anak na si Iñigo

At 37 years old, kahit may balak nang mag-retire sa showbiz si Piolo Pascual, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga project sa kanya.

Ngayong may bago siyang teleseryeng Hawak Kamay saka na muna ang pagre-retire isyu nito. Naipangako kasi ng magaling na aktor sa nag-iisang anak na si Iñigo, pagdating ng 18 ng anak ay titigil na si Piolo sa pag-aartista, saka tutulong naman sa kanyang kapatid na humahawak ng kanyang negosyo.

Naikuwento ni Piolo, natutunan niyang mag-business dahil sa mga payo ni Gov. Vilma Santos, noong magkasama sila sa movie Dekada.

Keanna pinrotektahan ang bagets na dyowa sa ahas!

Napakalakas ng appeal kuno nitong si Kevin Mercado, ang mature na bagets lover boy ni Keanna Reeves sa indie movie na Magtiwala Ka. Kamuntik pa raw maagaw ng kung sinong director itong si Kevin, kaya resulta, hindi sumipot sa premiere ng movie. May ganung isyu, ahasan?

Mommy ni Mona Louise hindi napigilan ang anak

Kuwento ng mommy ni Mona Louise Rey na si Fatima Al-Alawi, bata pa raw si Mona ay talagang hilig na nito ang mag-artista.

Noong umuwi sila ng Pilipinas galing Dubai, pag-aartista agad ang gustong gawin ng bata. Nag-worry kasi si Fat, dahil may sakit ang anak niya at baka raw mapagod. Pero mapilit ang bagets at wala na itong nagawa.

Pambihira ang teleserye ni Mona Louise dahil nagmulto ang kapatid niyang si Jillian Ward. Binabantayan siya nito at inililigtas sa mga bully sa eskwela sa My BFF.                    

vuukle comment

CARLA ABELLANA

DAHIL

ETNI KOLOR

MONA LOUISE

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with