^

Pang Movies

Bea magku-culinary para malutuan ng masasarap si Jake

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagpapasalamat ang totoong mag-sweetheart na sina Jake Vargas at Bea Binene dahil nanalo silang Couple of the Year sa katatapos na Yahoo! Celebrity Awards last Friday sa SM Mall of Asia Arena.

Dumiretso agad sila kay Kuya Germs Moreno sa GMA 7 Network para magpasalamat din sa manager ng young actor na laging supportive sa kanilang love team.

Happy ang magkarelasyon dahil kahit maraming pinagdaanan ang kanilang  love team at relasyon ay solid pa rin ang fans sa kanilang tambalan. Kaya overwhelmed ang dalawa at hindi makapaniwala sa natanggap nilang award

Wish nina Jake at Bea na good sign ang award na natanggap nila para bigyan silang muli ng bagong project bilang love team ng Kapuso Network. Nag-promise sina Jake at Bea na magbabagong-buhay at iingatan na nila ang kanilang tambalan lalo’t muling napatunayang malakas pa rin ang hatak nila.

Nagpapasalamat ang dalawa sa suporta ng fans.

Open na sila sa kanilang totoong relasyon - magdadalawang taon na away-bati nilang drama.

Isa sa nanghihinayang sa tambalang JaBea ay ang producer na si Mr. Tony Tuviera ng M-Zet Productions, kaya bibigyan silang dalawa ng pagsasamahang movie.

Samantala, tuloy pa rin ang kanyang pag-aaral - 3rd year high school bilang irregular student sa pinapasukan niyang school. Twice or thrice ang pasok niya.

Anyway, sayang at nagsawa na rin si Bea sa paggawa ng loom bands dahil nahihirapan daw siyang gawin ‘yung iba’t ibang style. Marami pa namang naibenta ang kapatid niya sa mga nagawa niyang loom bands. Plano rin niyang mag-aral ng Culinary Arts para hindi puro corned beef lang at pancake ang inihahanda niya para sa nobyo.

 

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

CELEBRITY AWARDS

COUPLE OF THE YEAR

CULINARY ARTS

JAKE VARGAS

KAPUSO NETWORK

KUYA GERMS MORENO

M-ZET PRODUCTIONS

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with