^

Pang Movies

Angel nagpapapayat para ‘di mahirapang lumipad

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ang laki nang ipinayat ni Angel Locsin at ayon sa kanyang manager ay ginagawa niya ito bilang paghahanda sa karakter ni Darna na isasapelikula ng Star Cinema.

Kailangan niyang makapagbawas ng timbang para maging magaang ang katawan sa maaksyong eksena kung saan susugpuin ang masasamang elemento ng lipunan. Excited na ang magandang aktres sa muling pagganap ng Darna na sisimulan na ang taping sa September.

Ricky na-miss ang pag-arte

Nakausap namin si Ricky Davao sa presscon ng The Janitor ng APT Entertainment. Isa siyang heneral sa said movie at may sistemang sinusunod para maitama ang mga mali.

Inamin nito na na-miss din niya ang pag-arte dahil nalinya siya sa pagdidirek. Pinaka-latest ang Dading ng GMA 7.

‘‘Gusto ko namang umarte kaya naging guest ako kamakailan sa Magpakailanman at ngayon ay malapit nang ipalabas ang movie naming The Janitor. Sana mabigyan pa ako ng mga proyekto dahil bukod sa pagdidirek, gusto kong umarte,’’ anang Ricky.

LJ natutuwang nakikitang masaya si Paulo

Inamin ni LJ Reyes na masaya siya para kay Paulo Avelino at tanggap na kung mayroon mang namamagitan sa kanilang dalawa ni KC Concepcion. Masuwerte raw si Paulo sakaling mapasagot niya si KC dahil ayon sa aktres, nagkikita naman ang dalawa these days.

Natutuwa naman si LJ kapag nakikitang masaya si Paulo dahil nagiging positive ang pananaw nito sa buhay.

‘‘Kung nag-uusap man kami lately, ito ay dahil sa aming anak na si Aki na tatlong taong gulang na. Umiikot ngayon ang aking buhay sa aking anak at career kaya pahinga muna sa pag-ibig,’’ sey pa ni LJ.

 

vuukle comment

AKI

ANGEL LOCSIN

DARNA

INAMIN

PAULO

PAULO AVELINO

RICKY

RICKY DAVAO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with