^

Pang Movies

Problema hindi kinakaya drama actress sa droga umaasa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hanggang ngayon ay marami pa rin daw hang-ups ang drama actress na ito kaya hindi na nagtataka ang mga kasama nito sa isang indie project kung ang paglaklak ng droga ang nagiging habit nito.

Sa isang shoot nga raw ng drama actress, napansin nila na para raw groggy ito at noong kunan ang eksena ay biglang bumagal ang pagbitiw nito ng dialogues niya.

Nagtaka ang direktor ng naturang indie project dahil noong simulan nila ang shooting ay parating hyper ang drama actress at kailangan mag-take sila ng ilang beses dahil hindi nila maintindihan ang pagbitiw ng dialogues nito dahil sa mabilis nitong pagsasalita.

Nalaman nga ng direktor na uminom ng downers ang drama actress dahil dumating daw ito sa location na medyo stressed dahil may problema na naman siyang hindi niya mahanapan ng solusyon.

Kaya ang kasama niya ay binigyan siya ng downers na prescribed naman ng doctor ng drama actress para kumalma ang pakiramdam nito.

‘Yun nga lang, bad timing na bigyan ng dow­ners ang drama actress dahil mukha naman daw inaantok ito at slow motion na kung kumilos at magsalita.

Hinintay pa ng director na mawala ang epekto ng downers sa drama actress para ma-shoot niya ito ulit.

Hindi na raw sila puwedeng mag-pack-up dahil mag-o-over budget na sila. Ilang beses na kasi silang na-pack-up dahil sa masamang panahon at sa pakiusap ng drama actress na maraming bagahe sa kanyang buhay.

Alice nagpapa-auction ng kanyang pirma

Ipinakita nga ni Alice Dixson ang kanyang concern sa mga naging biktima ng Typhoon Glenda na sumalanta sa Bicol region noong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, nagsimula ng isang auction si Alice para sa 12 copies ng kanyang December 2013 cover sa FHM Philippines.

Sa doseng makaka-bid ng mataas, magkakaroon ng exclusive autograph signing at photo-op session si Alice on July 25.

Ang charitable act na ito ni Alice ay ginagawa niya para sa kanyang 45th birthday on July 28. Paraan ito ng aktres to give back dahil sa maraming blessings na dumating sa kanyang career last year at sa taong ito.

Kasama nga sa mga blessings ay ang mapasali siya sa Top 10 Sexiest Women ng FHM Philippines 2014. Mas pinag-usapan ang agaw-eksenang wardrobe malfunction niya sa 100 Sexiest Victory Party noong July 9.

As of Sunday (July 20), nadagdagan na ang mga bidders sa social media accounts ni Alice on Twitter, Instagram, at Facebook.

May isang male bidder nga na nag-bid ng halagang P20,000 para sa isang signed copy at photo with Alice.

May mga babae rin na nag-bid para sa kanyang FHM copies at isa sa kanila ay nag-pledge ng bid of P3,000.

Natuwa naman ang aktres nang makatanggap siya ng donation pledge of P150 mula sa isang follower niya sa social media.

Lahat nga ng malilikom na pledges and donations ni Alice ay mapupunta diretso sa mga biktima ng Typhoon Glenda.

Magtatapos ang bidding bukas July 23 at 2:00 PM.

Angelina matagal nang nagawa ang script ng balik-tambalan nila ni Brad

After nine years na hindi sila nakitang magkasama sa big screen, may gagawin nang pelikula na magkasama sina Brad Pitt at Angelina Jolie titled By The Sea na produced ng Plan B Entertainment at Universal Pictures.

Noong 2005 pa huling nagsama sina Brad at Angelina sa pelikulang Mr. & Mrs. Smith. Sa pelikulang iyon nga nagsimula ang kanilang romansa na nagbunga sa pagkakaroon nila ng tatlong anak (Shiloh and twins Vivienne and Leon) at tatlong ampon (Maddox, Zahara and Pax).

Si Angelina ang nagsulat ng script ng By The Sea at siya rin ang magdidirek nito. Si Brad ang magpo-produce through his Plan B Entertainment na naging successful dahil sa Oscar-winning film na 12 Years A Slave at sa HBO TV-movie na The Normal Heart.

 “I am very happy to continue my relationship with Universal Pictures chair Donna Langley and the entire Universal team as I finish Unbroken and begin work on By The Sea.

 “They have created a very special place for storytellers, and I look forward to the continued passion and support they have provided to me as a filmmaker,” sey pa ni Angelina sa isang interview.

Noong 2012 pa raw idea ni Angelina ang project na ito with Brad.

 “I wrote something a few years ago for Brad and me. Just for fun. Just an independent little art piece. Because we don’t get to do those as much as we’d like. But it’s something really small and experimental.”

 

vuukle comment

ACTRESS

ALICE

BY THE SEA

DAHIL

DRAMA

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with