^

Pang Movies

Cristine muntik ‘di kayanin ang eskena nila sa bathtub ni Derek

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa mga bed scenes nila ni Derek Ramsay sa Trophy Wife, naging comfortable daw si Cristine Reyes, wala silang ilangang dalawa, until i-shoot ni Direk Andoy Ranay ang kissing scenes at love scene nila sa isang bathtub.  Katwiran ni Cristine sa presscon, siguro raw dahil naging best of friends sila noon ni Derek tapos naging sila for one month at nag-break agad. 

Hindi raw naman siya tumanggi nang i-offer sa kanya ng Viva Films ang movie kahit alam niyang si Derek ang makakatambal niya, sa kan­ya, work lamang iyon at saka friends pa rin naman sila ni Derek.  Inamin din ni Cristine na lahat ng love scenes at kissing scenes ay ginawa niya sa movie. Si Heart Evangelista ay hindi raw pumayag na gawin ang mga eksenang ganoon dahil sa unang shoot nila sa ibang director nanginig sa nerbyos ang Kapuso actress.

May possibility ba na magkabalikan sila ni Derek? Nakakaloka kasi ang malagkit na tingin ni Derek kay Cristine habang nagpi-presscon. Ma­la­bo raw dahil may idini-date na siyang isang suitor from Persia na marunong nang magsalita ng Tagalog, for over a year na, pero hindi pa raw niya talaga boyfriend.  Saka nakikita raw niyang mukhang happy naman si Derek sa pagiging single nito.

Dahil masyadong daring ang mga eksena ni Cristine with Derek, iimbitahin ba niya ang suitor niyang manood ng movie na magso-showing na sa July 30?  Hindi raw, kahit alam nitong sexy ang image niya bilang artista, hindi raw ito nanonood ng local movies.

Lovi iniisip ang mga ex kapag piga na ang luha sa pag-iyak

 ‘Blooming’ ang bati namin kay Lovi Poe na beauty talaga kahit laging umiiyak ang mga eksena niya sa Ang Dalawang Mrs. Real.  Kuwento nga niya, the other day ng taping nila bago kami bumisita sa set, maghapon siyang umiiyak, mugto na raw ang dalawang mata niya dahil sa sunud-sunod na dramatic scene, wala na raw siyang iluha.  Sino ang iniisip niya kapag kailangan niyang mag-drama, ang daddy (Fer­nando Poe, Jr.) daw niya, pero kapag sunud-sunod na niyang ini­isip, hindi na rin daw siya makaiyak, ang mga former boyfriends ba niya naiisip din niya?  Oo raw, pero hindi madalas.

Laging nagti-trend gabi-gabi ang drama series nila nina Maricel Soriano at Dingdong Dantes, kaya happy siya dahil hindi raw niya in-expect na magugustuhan ito ng mga tao.  Ano ang comment niya sa mga bashers na tinatawag siyang “Shielandi” at “Kabitenya” as in kabit.  Nakatawa niyang sagot, at least daw affected ang mga nanonood sa character na ginagampanan niya.

Naitanong naman kay Lovi ang boyfriend na si Rocco Nacino na pinakamaligayang lalaki na siguro nang aminin niya on national TV na boyfriend na nga niya ang actor.  Hindi raw kasi nagbago si Rocco simula nang una silang magtambal noon sa Love Bug at ganoon pa rin ito sa mga sumunod na team-up nila, kaya hindi na naging mahirap sa kanyang mahalin ito dahil nakikita niya ang sincerity.  Wala rin daw pressure sa kanila, para silang barkada, kung may lakad ang isa, okey lamang, nagpapaalam lamang sila sa isa’t isa.  Happy siya for Rocco dahil may bago na itong soap, ang Hiram Na Alaala with Dennis Trillo, Kris Bernal and Lauren Young na ididirek ni Dominic Zapata.

 

vuukle comment

CRISTINE

DAHIL

DENNIS TRILLO

DEREK

NIYA

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with