^

Pang Movies

Malabo at matagal pa raw: Heart ‘di na nag-i-expect ng wedding proposal kay Chiz

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagbiro si Heart Evangelista dati na hindi pa siya kasal pero buntis siya. Nilinaw ng aktres na biro lang talaga ‘yun, nothing else. Of course, she’s not pregnant.

“Hindi talaga. I am very organized person, I do plan my life. So, with the baby, siguro, 4 years? Three years? Three pero sana, tawad, four,” say ni Heart.

At siyempre, gusto naman daw niya ay kasal muna before pregnancy dahil baka hindi na raw siya patawarin ng kanyang ina ‘pag nabuntis siya before marriage.

“Baka hindi ko na makita ang nanay ko ‘pag nangyari ‘yun. Idi-disgrace na niya ako. So, hindi pa.” sambit ni Heart.

Kaya lang daw siya nagbiro ng ganu’n ay dahil nga sa parati na lang siyang tinatanong kung kelan sila ikakasal ni Sen. Chiz Escudero. Kaya naman nag-fast forward na lang daw siya para matapos na.

Kung sakali naman daw na may plano na silang pakasal ay iaanunsyo rin naman daw niya.

Hoping ba siya na magpo-propose si Sen. Chiz nang magpunta sila sa Europe recently?

“Ah, no. Hindi naman ako super-hopia. We’ve very much talked about our plans together. It’s just really a matter of the surprise, the moment. But when were leaving for Paris, alam ko talaga, it wasn’t yet.

“Pinaglalaruan din namin ang press, kasi tanong sila nang tanong so, ine-excite rin namin sila. Oo,” natatawa niyang sabi.

“We are really going to. . .it’s really going to happen but we can’t also announce or he can’t make kwento rin when he’s gonna propose, kasi first and foremost, kailangan ako muna ang makaalam.”

If ever daw na mag-propose ang boyfriend ay ready naman daw siya.

 “Reding-ready na ako pero okay lang naman na hindi kasi there’s no reason to rush ‘coz I’m with the person I’m really supposed to be with and I’m very happy,” pahayag ng isa sa lead stars ng Trophy Wife na showing na sa July 30 under Viva Films.

Eula hindi inggitera, walang paki sa mga ginagawa ni Ritz

Nilinaw ni Eula Caballero na wala talaga silang inggitan or whatsoever ni Ritz Asul. Sila ang itinuturing na magkaribal sa pagiging prinsesa ng TV5 at sabay din silang nagsimula sa showbiz via Star Factor kung saan ay ang una ang tinanghal na Grand Winner.

Okay lang daw ang healthy competition pero hindi raw ito umaabot sa personalan to the point na magkakainggitan sila sa mga proyektong ibinibigay sa kanila.

“Walang ganu’n. ‘Coz everytime na may bago siyang project, it’s really for her. ‘Pag makikita mo, “ay, Ritz na Ritz ‘yan”. Talagang she does very amazing acting performances. Parang she stands out in the projects na binibigay sa kanya kasi kering-keri niya. And iba rin ‘yung nabibigay sa akin and ‘yun din ang keri ko.

“So, kung baga, different paths kami.  Though we are given equal attention, equal importance,” pahayag ni Eula.

Wala bang moment na nakaramdam siya ng inggit or insecurity kay Ritz?

“No, no naman. At saka, si Ritz naman, she’s the kind of person na she wouldn’t even let you feel that way. Parang ‘pag sinabi mong “Ritz, congrats sa bago mong show”, ang sasabihin niya sa‘yo, “Uy, congrats din sa ‘yo ha, ang galing mo rin du’n sa natapos mong show,” ganyan. She is a very, very good person,” say niya.

Pera raw sa kanya, ang isang artista ay hindi dapat nakikipagkumpetensiya sa kapwa artista.

“Siguro, the time that you compete with someone is the time na you lose track of yourself. Compete with yourself lang. ‘Pag lagi kang nakatingin sa ibang tao, that’s when na parang nawawala ka sa track.”

Nagsusuportahan daw sila ni Ritz sa bawat proyektong naibibigay sa kanila at close rin daw sila in real life.  

“Tinetext ko siya minsan, “Ritz, nanonood kami ng mommy ko ng show mo”, ganyan,”

Katatapos lang ni Eula ng sitcom na One of the Boys sa TV5 at hindi pa raw siya sinasabihan kung ano ang susunod niyang gagawin.

“But I’m sure they are grilling something,” say ng homegrown talent ng TV5 Talent Center.

 

vuukle comment

BUT I

DAW

EULA

LANG

NAMAN

RITZ

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with