^

Pang Movies

Ikaw Lamang paulit-ulit ang ilang eksena?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalian daw kaya matutuldukan ang teleseryeng Ikaw Lamang? Paulit-ulit na lang kasi mga eksena, para daw nakakapagod ng panoorin.

Lovi mas ginanahang magtrabaho

Hindi ma-imagine ni Lovi Poe na isang Maricel Soriano ang kabalitaktakan niya ng dialog sa mga eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real. Marami ang nakakapuna, parang palaging inspired umakting si Lovi sa set. Totoo kayang dahil sa kanyang Prince Charming Rocco Nacino? Umamin na kasi ang dalawa, na sila na nga.

Saksi pa nga ang Eiffel Tower sa Paris, sosyal ‘di ba? May ilang komento na dapat daw Bigamy ang title ng Ang Dalawang Mrs. Real, dahil dalawa ang asawa ni Dingdong. Bawal sa Katoliko ang ganitong uri ng arrangement ng marriage.

Arjo walang mapapala kay Alex

Hindi nakakapagtaka kung bakit mahusay umarte ang binatang anak ni Sylvia Sanchez, si Arjo Atayde na napupuri sa teleseryeng Pure Love, galing si Arjo sa angkan ng mga artista, lolo niya si Bob Solor, pinsan si Bembol Roco, tito niya si Eddie Gutierrez bukod sa nanay pa si Sylvia Sanchez. Saan pa nga ba magmamana si Arjo? Problema lang kay Arjo, kaagad tinamaan ng pag-ibig kay Alex Gonzaga, na mukhang ‘di pa naman interesado sa pag-ibig. Gusto pa raw ni Alex magpakasawa bilang isang ‘malaya’, walang commitment.

Daniel ‘di nasindak sa pulitika!

Mukhang may bagong bukambibig naman ngayon sa ABS-CBN, si Daniel Padilla. Dati si Coco Martin ang usap-usapan, ngayon si Daniel naman. Pero bago pumasok si Coco sa eksena sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz ang pinag-uusapan. Humanga kami kay Daniel, ang binatang anak ni Karla Estrada, nagpa-free concert kasi ang actor sa Tacloban City.

Nakita daw ng mag-ina, kung gaano kalawak ang dinurog ng bagyong Yolanda at sobrang naawa sila sa mga kababayan, kaya nag-show  sila para sa mga biktima. Ang nakaka-turn off lang sa show ni Daniel, napolitika pa. Tinatanggal ‘yung ibang poster niya doon na naka-display.

Well, hindi talaga nawawalan ng kontrabida sa bawat istorya. Tagumpay ang show doon ni Daniel, kaya’t natameme ang mga kumokontra.

Ex-Star Magic talent Diane Medina ‘magtuturo’

Ipinagmamalaki ng dating Star Magic star na si Diane Medina na may movie siyang titled Education. Ipalalabas ang pelikulang may tema tungkol sa pag-aaral at planong dalhin ito sa mga paaralan. Ang Education ay idinirek ng actor na si Bobby Benitez at produced ng JMS Film. Si Dianne ay may show sa umaga bilang newscaster sa TV5.

                                                                        

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

ARJO

DIANE MEDINA

MRS. REAL

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with