^

Pang Movies

Jessy Mendiola nalunod na agad sa isang tasang tubig

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumalaki nga ba ang ulo ni Jessy Mendiola? Naku huwag naman sana. Wala pa kasi siyang napatutunayan sa teleserye kahit sa Maria Mercedes na agaw pansin si Vivian Velez sa aktingan. Kaya huwag munang malunod napakaaga pa iha.

Diether nalaos kay Coco

May mga nagtatanong kung bakit parang nawawala sa sirkulasyon si Heart Evangelista. Napapansin din na maging si Diether Ocampo ay walong buwan nang walang project sa ABS-CBN buhat noong magklik si Coco Martin sa naturang network? Dati kaliwa’t kanan ang project ni Diether, naagaw na ni Coco ang korona ni Diet sa ABS-CBN.

Marian kasundong-kasundo si Alden

Hindi pumayag ang mga endorser at tagahanga ng teleserye ng GMA na Carmela starring si Marian Rivera na magtapos na ang serye. Kung kaya na-extend ito hanggang Mayo. Sa totoo lang, sobrang sakripisyo ang inaabot dito ni Yan-yan. Ilang sampal na ba at mga sabunot ang natamo niya sa kamay nina Jaclyn Jose at Rochelle Pangilinan na parehong sagabal sa buhay niya? Masuwerte naman si Alden Richards at napapayag si Marian na magkaroon ng kissing scenes. Well, pogi naman si Alden at hindi pahuhuli kay Dingdong Dantes.

Parehong laki sa lola sina Marian at Alden, kung kaya marahil magkasundo sila lalo na sa set. Nababaitan si Marian kay Alden na napakagentleman daw. Kaya kahit kararating lang galing mula Japan kung saan nag-Holy week si Marian, tuloy kaagad sa taping ng Carmela sa Malolos, Bulacan.

Coco masayang-masaya kay Sarah

Masaya si Coco Martin dahil kapareha niya ang pinapantasya ng mga kalalakihan, si Sarah Geronimo. Bagay silang dalawa. Hindi akalain ni Coco ‘yung matagal na niyang ilusyong makapunta sa Boracay ay balitang doon pa yata kukunan ang ilang eksena ng pinagtatambalan nila ni Sarah! Kuwento ni Sarah magaling daw na artista si Coco. Hindi naman kaya magselos si Matteo Guidicelli?

Mike Magat balik pelikula na naman!

Noong mag-celebrate ng birthday si Action Director Dante Boy Pangilinan, nabanggit sa amin ni Mike Magat na may movie siyang ipalalabas sa May 7. Full Moon ang title at tampok sina Derrick Monasterio kasama si Barbie Forteza. Markado ang role rito ni Mike at ipinagmamalaki niya ito na sobrang horror. Kasama niya sina Ricardo Cepeda, Eric Fructuso, Jerick Vasquez, at Selina Sevilla. Napansin naming maganda pala ang boses ni Direk Dante dahil nagkaro’n ng sing along sa naturang event.                              

 

vuukle comment

ACTION DIRECTOR DANTE BOY PANGILINAN

ALDEN RICHARDS

BARBIE FORTEZA

CARMELA

COCO

COCO MARTIN

DERRICK MONASTERIO

DIETHER OCAMPO

MIKE MAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with