^

Pang Movies

Bianca hindi insecure kay Carla!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Feeling bagong relasyon ang nangyari kina Bianca Gonzales at JC Intal nang mag-propose ng kasal ang basketbolista sa TV host.

 â€œParang new chapter again in my life ang nangyari sa amin,” sambit ni Bianca sa press launch ng bagong edisyon ng Pinoy Big Brother.

Ang ikinatuwa ni Bianca kay JC bago nag-propose sa kanya ay ang kausapin muna ang parents niya bago siya sabihan.

 â€œEven if iba na ang style ng panliligaw ngayon, I still prefer the traditional style since wala rito sa Pilipinas ang family ko. Preferred ko pa rin na sila muna ang makaalam. Sila muna ang magbigay ng blessing,” saad pa ng host.

Wala pang detalye ng kasal kung ‘di sa December ‘yon magaganap. Nag-iisip na sila ng ninong at ninang kaya walang masyadong naibahagi si Bianca sa nalalapit na kasal.

Hindi na rin siya tumanggi nang sabihin ni JC na gusto niyang ikasal na sila this year.

 â€œWhy not eh hindi na naman ako bumabata. Patanda na ako nang patanda! Ha! Ha! Ha!” sey pa niya.

Dumating na nga sa punto si Bianca na secured na sa relasyon kay JC kahit may mga tsismis na diumano ay naghahabol ang ex-girlfriend nitong si Carla Abellana.

 â€œI don’t think naman that’s true. She’s a descent girl. Eh, if ever na gusto ni JC na maging friend ang ex niya, hindi ko siya pipigilan. Ako rin naman, friend sa mga ex ko,” rason ni Bianca.

Kahit kasal na si Bianca, tuloy pa rin siya sa showbiz pagdating sa hosting. Nalipasan na raw siya ng panahon pagdating sa pag-i-explore sa akting!

 â€œHappy na ako sa hosting, sa writing sa tabi-tabi!” sagot ni Bianca.

Yassi nakukyutan kay Andre

Si Yassi Pressman ang pumalit kay Bea Binene upang gampanan ang role ng girlfriend sa YouTube love team sensation na Ja-Mich. Ginawan ng Magpakailanman ng episode ang success ng love team na sa totoong buhay ay lovers din. May lungkot nga lang sa kanilang relasyon dahil sa pagkakadiskubre ng lung cancer ni Jam.

Eh, paano niya gagawin ang role na may boyfriend eh loveless ngayon?

“Well, siguro doon din po sa past experiences. Saka siyempre may friends naman ako na magdyowa at nakikita ko rin naman sila. Parang feeling ko, hindi mo na kailangang mag-learn from other people ‘yung love,” rason ni Yassi.

Meron na ba siyang suitors after Sef Cadayona?

 â€œSuitors? Parang wala naman. Wala naman. Wala, cute lang si Andre (Paras). Lagi siyang nagdyu-joke. Pero ganoon naman talaga siya!” saad niya.

So love na niya si Andre?

“Love agad? Ha! Ha! Ha! Super-duper bait niya kaya happy ako at friends kami at tuloy ang bonding namin after Diary ng Panget!” katwiran ni Yassi.

vuukle comment

BEA BINENE

BIANCA

BIANCA GONZALES

CARLA ABELLANA

NAMAN

NIYA

PINOY BIG BROTHER

WALA

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with