^

Pang Movies

BF na actor natakot young actress sustentado ng maimpluwensiyang tao

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malaking misteryo pa rin para sa isang young actor ang naging ex-girlfriend niya na young actress. Nagkaroon sila ng ilang buwang relasyon, pero maraming nalaman ang young actor sa young actress na kung anu-ano.

Unang-una ay ang bonggang lifestyle ng young actress. Noong una silang magkakilala ay simple lang daw ito. Nagugulat na lang ang young actor dahil bigla raw itong nagkaroon ng iba’t ibang sasakyan.

Tuwing lalabas daw sila ni young actress ay iba-ibang kotse ang dala nito. Paliwanag ng young actress ay nasa buy and sell car business ang uncle niya. Kaya minsan ay pinapahiram siya ng mga sasakyan nito bago ito ibenta.

Pangalawa ay ang biglang pagkakaroon ng condo unit ng young actress. Nakatanggap ang young actor ng text mula sa young actress at nagpasundo siya sa tinext na address. Nang punatahan ito ng young actor, nagulat siya na sa mamahaling townhouse na ito nakatira.

Paliwanag ng young actress ay pinauupahan daw nila noon ang unit, pero noong umalis na ang umupa, siya na ang tumira ngayon.

Pangatlo ay ang bigla na lang pag-alis ng young actress papunta sa kung saang bansa. Lagi niyang paalam ay may raket daw siya sa pupuntahan niya at ilang araw siyang mawawala.

Kapag nagtanong naman daw ang young actor sa pamilya ng young actress kung saan ito pumunta, hindi raw alam ng pamilya nito. Basta na lang daw umaalis si young actress at hindi nagsasabi.

Kaya sa kakaimbestiga ng young actor, nalaman niya na may kung ano’ng milagro ang ginagawa ng kanyang girlfriend. Isang malaking tao ang isa sa mga nakakasama raw parati ng girlfriend niya kapag wala ito sa Pilipinas.

Dahil dito ay nag-isip-isip na ang young actor kung itutuloy pa ba niya ang relasyon sa misteryosang girlfriend niya or tapusin na niya dahil baka madamay pa siya sa ginagawa nito sa buhay.

Nang makabalik na nga ang young actress mula sa raket nito, nakipaghiwalay na ang young actor sa kanya.

Pinalabas na lang ng young actor na hadlang ang mga raket nito sa relasyon nila. Pero ang totoo ay nakararamdam ng takot ang young actor dahil baka kung may gawing kapalpakan ang young actress at baka siya ang unang pagdiskitahan ng tauhan ng malaking taong ito.

Dominic, hobby na ang pag-a-audition

Habang wala pa ngang bagong teleserye si Dominic Roco after ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? Ang paggawa ng indie films ang kanyang pinagkakaabalahan.

Panglimang indie film na ni Dom ang ginagawa niya ngayon na Tumbang Preso na tungkol sa human trafficking.

Hindi nahihiyang sabihin ni Dom na nag-audition siya para sa role niya sa Tumbang Preso. Tulad din sa ibang mga indie projects, dumadaan talaga siya sa mga auditions.

“I love auditioning. Honestly I don’t see myself as, ‘Wow, I’m Dominic Roco!’ Kasi I’m not yet there and I love auditioning kasi hindi naman lahat ng roles ay bagay sa pagkatao ko.”

Pero hindi naman daw sa lahat ng pagkakataon ay nakakapasa sa auditions si Dominic at tanggap na niya ito.

 â€œNung una, oo, I cry na, ‘Wow I didn’t do good!’ Pero if that role wasn’t meant for you, it wasn’t meant for you.”

Dahil mas focus sa kanyang work si Dom, hindi na raw nito napapansin na matagal na siyang walang love life. Huli pang relasyon ni Dom ay si Maxene Magalona at may tatlong taon nang nakalipas iyon.

“I’m still not looking for one. And right now I’m really happy with my life. I have no complaint.

“Kahit makipag-date, hindi ko na nagagawa. Nasanay ako na nasa bahay lang ako,” pagtatapos pa ni Dominic Roco.

Pinoy gumawa ng headpieces nina Katy Perry at Selena Gomez

Hindi lang pala sa mga red carpet gowns ng mga Hollywood celebrities nakikilala ang mga Pinoy. Makikilala na rin ang husay ng Pinoy sa paggawa ng mga headpieces na siyang ginagamit ngayon ng ilang A-list celebrities sa kanilang mga music videos at concerts.

Kung sa red carpet ay naging matunog ang mga pangalang Monique Lhuillier, Oliver Tolentino, at Michael Cinco, soon ay makikilala na si Ryan B. Sta. Maria sa kanyang mga bonggang headpieces.

Dalawa sa kanyang mga creations ay nasuot na ni Katy Perry sa kanyang music video na Dark Horse at Selena Gomez sa photo shoot ng kanyang bagong album.

Mga idolo ni Ryan pagdating sa mga fab designs sina Laura Ashley, Vera Wang, at Ralph Lauren.

Nakatapos ng BA in Fashion Design and Merchandising sa College of Saint Benilde ang 26-year old na si Ryan. Nagtrabaho siya bilang marketing assistant para sa Philippine Fashion Week at nakilala niya ang isang UAE-based designer na si Rocky Gathercole. Hanggang sa inalok siya nitong magtrabaho sa Dubai bilang isang fashion designer.

Dalawang taon na nagtrabaho sa abroad si Ryan at pag-uwi niya ng Pilipinas ay naging assistant designer siya ni Jeffrey Rogador for six months.

Sa pamamagitan nga ng social media nakakuha ng mga high profile clients si Ryan. Isa na rito ay ang California-based designer na si Caley Johnson na kinomisyon si Ryan na i-execute ang mga designs niya over Instagram.

Hindi alam ni Ryan na ang mga ginawa niya ay ipapasuot ni Caley kina Katy Perry at Selena Gomez.

Dahil doon ay nakakuha na siya ng mga local celebrity clients tulad ni Sarah Geronimo at ang former Bb. Pilipinas-Universe na si Ariella Arida.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

DOMINIC ROCO

NIYA

RYAN

SIYA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with