^

Pang Movies

Kris hindi pa rin mapigilan ang sarili kay Herbert!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matapos i-post ni Kris Aquino ang latest status nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista noong Wednesday na friends daw sila and not a couple, ayaw nang pag-usapan pa ng Queen of All Media si Bistek.

Sa Aquino & Abunda Tonight ay pinansin ni Boy Abunda ang tungkol sa post ni Kris na pinag-uusapan na naman ng lahat but when asked kung gusto niya ba itong pag-usapan, isang mabilis na “no” ang sagot ni Kris.

“We’re friends and I wanna stay friends. If I say anything now, we might not be friends. And he’s actually watching right now so I better shut up,” say ni Kris.

Okay naman at naiintindihan ni Kuya Boy pero bigla na namang humirit si Kris ng “but he sent me fruits and I wanted to send it back. Sabi ko, huwag ka na magpadala.”

Walang maapuhap na sabihin si Kuya Boy kundi “let’s res­pect”.

Natatawa naman si Kris at say niya, “kung ano-ano na naman ang pinagsasabi ko. Matulog ka na (to Herbert), huwag mo na ako pansinin. No, I appreciated the fruits. Isang orchard.”

 â€œAh, okay, of course. And who wouldn’t appreciate those anyway?”

Tawa na lang kami nang tawa sa kataklesahan ni Kris and the fact na nai-speechless na lang si Kuya Boy at hindi malaman ang isasagot.

Ibinuko ni Alex, Toni kasal na kay Direk Paul!

Dahil nga ikakasal na si Bianca Gonzales, mas lalong dumami ang nagtatanong ngayon kay Toni Gonzaga kung kaylan naman sila haharap sa altar ng long time boyfriend niyang si Paul Soriano.

Lumalabas kasing siya na lang ang single sa kanilang tatlo nina Bianca and Mariel Rodriguez kaya hindi naman masisi ang mga taga-showbiz na magtanong kung kaylan siya mag-aasawa.

Pero say naman ni Toni, hindi naman daw siya nape-pressure sa rami nang nagtatanong sa kanya ngayon dahil sanay na raw siya sa ganitong klase ng tanong.

“At saka natutuwa nga ako kasi lahat ng tao, ine-expect na kami mae-engaged tapos kami pa yata ang mahuhuli, mas okay na ‘yun,” she said.

Dati nga raw ay napapagod na siya na paulit-ulit na lang na tinatanong kung kaylan sila ikakasal pero ngayon daw ay natanggap na niyang part na rin ‘yun ng pagiging artista niya, na interesado rin ang mga tao na malaman ang mga nangyayari sa kanya.

“At least, they’re interes­ted to know kung kelan. Kaya lang so far, talaga, honestly, wala pa talaga.”

Maging si direk Paul nga raw ay sanay na rin at natatawa na lang pag tinatanong.

 â€œKasi first year pa lang namin, tinatanong na kami kung kaylan kami ikakasal. Parang 7 years na kaming tinatanong every year kung ikakasal na kami.”

Pero tulad niya ay happy rin daw ang boyfriend niya for Bianca.

 â€œWe’re very, very happy for Bianca kasi alam naman namin na nandito na kami sa age na we are all heading towards that direction.”

Biniro nga siya na baka mahirapan na siyang manganak at tumili siya talaga ng “Hindee! Si Regine Velasquez nga, 40 nanganak!”

Say pa niya, “if there’s a will, there’s a way.”

Heto na, humirit na naman ang kapatid niyang si Alex Gonzaga. Say niya, “O baka naman kasal na sila, hindi lang natin alam.”

Nag-react talaga nang bonggang bongga si Toni.

“Hoy ikaw, sira ka, baka mamaya isipin nila. . . Hindi po dahil kung kasal na kami, nasa isang bahay na sana kami. Doon pa kaya ako umuuwi sa bahay namin,” say ni Toni.

Binawi rin naman agad ni Alex at hindi pa naman daw talaga kasal ang ate niya.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ALEX

KAMI

KUNG

KUYA BOY

LANG

NAMAN

NIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with