^

Pang Movies

Kunu-kunong ‘di interesado aktres may inuutusan para mag-upload ng kanyang pictures sa social media

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kakaiba ang drama ng aktres na kiyemeng-kiyemeng hindi interesado sa social media kaya wala siyang Instagram o Twitter account pero lumalabas naman ang mga litrato ng lahat ng activities niya.

Buking na ang drama ng aktres dahil may inuutusan siya na ibang tao para maglabas sa social media ng kanyang pictures. Pinahihirapan ng aktres ang sarili dahil ipinadadala pa niya ang mga litrato sa kanyang contact person at ito ang taga-upload sa social media.

Hindi maintindihan ang drama ng aktres na may pasosyal na image pero nuknukan ng baduy.

Anak ng pulitiko hiwalay na raw sa asawa, pulitiko ang ipinalit

Sa pagkakaalam ko, may asawa ang isang actor/politician kaya wondering ako kung bakit nali-link siya sa anak na babae ng sikat at kontrobersyal na pulitiko?

Napabalita at nakumpirma na hiwalay na ang babae sa asawa nito na nanggaling sa rich family pero ang bilis naman niya na naka-move on kung totoo ang mga tsismis na may relasyon sila ng actor/politician. Susubaybayan ko ang mga susunod na kabanata. Tiyak na lalabas din ang katotohanan dahil walang puwedeng ilihim sa mundo ng showbiz, lalo na sa mundo ng pulitika.

Sen. Loren dedma sa mga serye ni Jennylyn

Hindi isyu kung hindi kilala ni Senator Loren Legarda si Jennylyn Mercado dahil hindi siya nanonood ng TV.

In fairness kay Mama Loren, nag-dialogue ito na gusto niya na makilala si Jennylyn.

Alam ko na walang TV set sa bedroom ni Mama Loren dahil mas gusto niya na magpahinga kapag nasa loob na siya ng kanyang kuwarto. Bihirang-bihira naman siya na makapanood ng TV dahil sa rami ng mga ginagawa niya at napag-usapan namin ito sa aming lunch date noon sa ancestral home nila sa Malabon City.

Hindi naman ang tipo ni Mama Loren ang manonood ng mga teleserye dahil inuuna niya ang pag-aasikaso sa kanyang mga project na pakikinabangan ng buong Pilipinas.

Isang bagay ang sure ako, kilalang-kilala ni Mama Loren si Sarah Geronimo dahil ito ang nag-endorse noon ng kanyang kandidatura. Maraming beses na nagkasama sina Sarah at Mama Loren noong panahon ng kampanya.

Nag-promise si Mama Loren na padadalhan niya ako ng paksiw na bangus noong Holy Week pero hindi natupad dahil sobrang hectic ng kanyang schedule.

Marunong magluto si Mama Loren at ang paksiw na bangus ang specialty niya. Hindi ako nagmamadali pero looking forward ako na matikman ang specialty ni Mama Loren kapag may oras na siya para magluto ng paksiw na bangus na ipinagmamalaki niya.

 

vuukle comment

DAHIL

HOLY WEEK

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

LOREN

MAMA

MAMA LOREN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with