^

Pang Movies

Kristek mistulang may pino-promote na pelikula

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang may gagawing movie ang pinaiinit na relasyon nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Laman palagi ng mga tabloids ang biglang pagka-ugnay ng dalawa ngayon. Marami ang nabigla, dahil kilala si Bistek na mapagmahal na ama kina Harvey at Athena. Excited nga si Mayor kapag naisusulat namin si Harvey tungkol sa kanyang TV show sa Going Bulilit. At si Athena naman ay sinasabing ibi-build up ng Viva sa mga darating na panahon.

Mga ‘modern sirena’ masyadong OA

Maganda ang simula ng Kambal Sirena ng GMA, kaabang-abang talaga lalo na noong mga bata pa ang sirena, played by Hearsy Garcia. Kaso, noong nagdalaga, tila naman sobrang pakipot ito sa pagpapatagal sa pangliligaw ng binata, gayung alam namang in love siya. Sa panahong ito, sino bang mahirap na babae ang tatanggi sa isang manliligaw na alam mong binata at may kaya pa? Si Tessie Tomas naman, sobrang lupit kay Louise delos Reyes, gayung apo niya ito. Feeling niya, parang may napakalaking negosyong meron siya, para api-apihin si Louise. Tindahan ng prutas lang naman yata ang negosyo niya at sa bukid ang opisina. Dapat, huwag maging kumpiyansa ang GMA sa kalaban nilang si Dyesebel ng ABS-CBN. Problema naman sa Dyesebel, akala mo mga sagala sa Santa Cruzan ang ayos ng mga naglipanang sirena sa ilalim ng dagat. Walang isdang may decoration sa katawan!

Derick alaga sa atensiyon si Barbie

Halata ang sobrang atensyon ni Derick Monasterio sa kaparehang si Barbie Forteza sa indie film na Full Moon directed by Dante Boy Pangilinan. Palagi silang nag-uusap tuwing matatapos ang shooting na kinunan sa Pulong buhangin, Sta. Maria Bulacan. Tampok si Mike Magat sa naturang movie na may markadong papel. Apurahan ang shooting nila dahil malapit nang ipalabas ito, produced by Lovely Nell Production.

Personal…

Espesyal na panauhin ng Grand Alumni Reunion ng Batch ‘58 sa Baliuag Junior College ang sikat na TV Radio Brodcaster ng DWWW 774 si Larry Damian kamakailan. Ginanap ito sa Immaculate Concepcion School, kung saan pangulo si Mrs. Regina Ochoa Paulino, at mga bise presidente sina Armando Ding Cruz at Alejandro Cruz. Next year sa Sual, Pangasinan gaganapin ang kanilang reunion na pag-aari ng isang estudyante rin doon.

                                                                                         

 

vuukle comment

ALEJANDRO CRUZ

ARMANDO DING CRUZ

BALIUAG JUNIOR COLLEGE

BARBIE FORTEZA

DANTE BOY PANGILINAN

DERICK MONASTERIO

DYESEBEL

FULL MOON

GOING BULILIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with