^

Pang Movies

Karylle wala pang planong mabuntis, kontra sa pagpakakasal agad ni Zsazsa

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung meron mang higit na masaya ngayon sa bagong pag-ibig na nahanap ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla, ito ay walang iba kundi ang isa niyang anak na si Karylle. Almost two years na itong loveless mula nang pumanaw ang partner niyang si Comedy King Dolphy kaya naman may karapatan na rin itong lumigaya sa piling ng bagong boyfriend na isang non-showbiz pero isang mahusay at kilalang architect. Hindi na rin naman ito itinatago ng magaling na aktres at singer dahil nakikita na rin silang dalawa na magkasama sa mga showbiz events lately.

Nang matanong si Karylle ukol sa bagay na ito ay naging very vocal din ito sa kaligayahang nararamdaman para sa kanyang ina.

 â€œI’m just really happy that she’s really happy. Every time I look at her, palagi kong sinasabi sa kanya, ‘I’m so happy that you’re happy.’

“Tinatanong nga niya, ‘Are you happy because you’re just happy?’

“Sinasabi ko, ‘Yeah and also because you’re so happy.’

“Ang ganda-ganda niya ngayon, super blooming,” pahayag ni Karylle sa interview sa kanya ng Cinema News at PEP.

Obviously, boto at aprubado siya sa bagong boyfriend ng kanyang ina at ayaw daw niyang hadlangan ang kaligayahan nito sa piling ni Conrad Onglao.

“Yeah, of course na-meet ko na si Tito Conrad. I think isa ako sa mga unang naka-meet sa kanya.

“Hindi ko naman siyempre palalagpasin ‘yung opportunity and duty ko as a daughter na maging guwardiya kahit papaano.

“Okay naman, I think we’ll just leave it like that. She’s happy, we’re happy.

“We’re having lots of lunches and dinner, so I’m really happy for her,” kuwento pa ni Karylle.

Pabor din naman siguro si Karylle sakaling mauwi na sa kasalan ang relasyon ni ZsaZsa kay Conrad pero tiyak na hindi pa ngayong taon ito mangyayari dahil katatapos lang ng kasal niya at bawal ang ‘sukob’ ayon sa pamahiin.

 â€œHuwag na muna nating pag-usapan kasi kami-meet pa lang nila.

“Everything happens in proper time and we will get there... we will cross the bridge when we get there. For now, ako muna ang newlywed,” sey pa ni Karylle.

Ikinuwento rin ni Karylle na super naging memorable ang kanilang European honeymoon ng asawang si Yael Yuzon at nag-aadust pa siya sa buhay may-asawa. Wala pa raw sa plano nila ang pagkakaroon ng anak dahil i-e-enjoy muna nila ang isa’t isa.                                                 

vuukle comment

CINEMA NEWS

COMEDY KING DOLPHY

CONRAD ONGLAO

HAPPY

KARYLLE

TITO CONRAD

YAEL YUZON

ZSA ZSA PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with