^

Pang Movies

Jake relate na relate sa may lung cancer

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matitikman ni Jake Vargas ang byuti ni Yassi Pressman sa episode ng Magpakailanman kung saan silang dalawa ang lalabas sa Ja-Mich love team na naging hit sa You Tube. Lalabas ang young actor bilang si Jam Sebastian na merong lung cancer habang girlfriend naman niya si Yassi na todo ang alaga sa kanya.

Napanood ni Jake sa You Tube ang isa sa videos na ginawa ng da­lawa. Eh, first day pa lang ng taping nila ni Yassi nang bumisita ang press kaya wala pang masyadong dramahang ginawa nila.

“Okey ‘yang si Yassi!” sambit ni Jake nang tanungin ng press.

“Thanks, Jake!” tugon naman ni Yassi.

Nu’ng nalaman ng young actor na cancer victim ang role niya, bigla niyang naalala ang nanay na namatay sa colon cancer.

“Mahirap magkaroon ng cancer. Kaya alam kong mahirap ang pinagdaraanan ni Jam ngayon. Lalo na sa babae, mahirap,” sabi niya.

Nakaka-relate siya sa role niya dahil sa nangyari sa mother niya.

“Kasi naranasan ko…Nakita ko kung paano nahihirapan ‘yung tao,” rason ni Jake. “Lahat nga raw ng toy ni Yexel (kapatid ni Jam), naibenta niya,” dagdag ng young actor.

Pero ayon kay Jake, kung siya ang nasa kalagayan ni Jam ngayon, mas pipiliin niyang pakasalan ang girlfriend niya habang buhay pa siya, huh!

 â€œKahit mawala ka man, at least, kasal kayong dalawa!” katwiran niya.

Eh, anong nangyari at hindi si Bea Binene ang naging kapareha?

“Alam ko talaga na si Bea talaga ang ka-partner ko. Eh, may taping siya at hindi pinayagang mag-absent kaya si Yassi ang ipinalit sa kanya. ‘Yun din naman ang niri-request ng mga fans!” saad  ni Jake na okey raw ang relasyon kay Bea at wala nang awayang nangyayari.

Direk Paul magiging housemate sa PBB?!

Naunahan pa ni Bianca Gonzales si Toni Gonzaga na magpakasal. Wala namang inggit sa katawan si Toni dahil naniniwala siyang in God’s time ay darating din ang araw na magpapakasal siya.

Consistent si Toni sa pagsasabi na ang isang babae, dara­ting ang araw na magpapakasal at magkakaroon ng anak. Kaya naman ang drama niya, pag dumating na ang takdang araw na ibibigay sa kanya ng Diyos, lalagay na siya sa tahimik.

Muli kasing magkasama sina Toni at Bianca bilang hosts ng bagong edisyon ng Pinoy Big Brother na mapapanood na ngayong Sunday, April 27. Clueless pa sila sa mga mangyayari at kung may celebrities ding papasok gaya nang nangyari sa isang edisyon.

Biro nga ng press sa launch ng PBB, baka sa Bahay ni Kuya mag-propose si Direk Paul Soriano sa kanya, huh!

“Ay, ginawang housemate si Paul! Ha! Ha! Ha! Huwag naman! Sa dressing room naman! Ha! Ha! Ha!” biro ni Toni.

Hindi na lang makakasama ng dalawa si Mariel Rodri­guez sa PBB.

vuukle comment

BEA

BEA BINENE

BIANCA GONZALES

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

NIYA

TONI

YASSI

YOU TUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with