^

Pang Movies

Mariel burado na sa PBB

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ay nagkaroon na ng grand presscon ang bagong season ng Pinoy Big Brother, ang PBB All In hosted by Toni Gonzaga kasama sina Bianca Gonzales, John Prats, Robi Domingo, at ang bagong miyembro na si Alex Gonzaga.

 â€œAll in” ang tawag dito dahil magkakasama na raw ang teens and adults na first time raw na mangyayari sa PBB kaya mas interesting daw dahil lumawak na ang range ng age nito.

Sa presscon ay natanong ang walang kamatayang issue na scripted diumano ang mga nangyayari sa loob ng Bahay ni Kuya at sinagot ito ng business unit head na si Raymund Dizon.

“Hindi po talaga. It’s really not scripted. We get our stories kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay doon sa mga housemates.

 â€œWe just know how to push the stories of the housemates. Kung ano ang gagawin nila sa loob ng bahay, kung ano ‘yung dynamics nun’g bawat character inside the house, we push the stories. So, it’s not scripted,” paglilinaw ni Mr. Dizon.

Samantala, itong PBB All In ang huling show ni Bianca bago siya pumasok sa buhay may asawa dahil as we all know ay ikakasal na siya sa December.

Si Alex naman ay masayang-masaya na nakasama siya sa PBB with her ate Toni dahil noon pa raw ay fan na siya ng show na ito.

When asked kung ano ang katotohanan sa napapabalitang pagbabalik ni Mariel Rodriguez, ani Toni and Bianca ay hindi raw nila alam pero hindi na raw mawawala forever ang naging kontribusyon nito sa show and that she’ll always be a part of the show.

Magsisimula na ngayong Sunday, April 27 ang PBB All In.

Ryan Bang basted kina Toni at Alex

Sa nasabing presscon pa rin, tawa kami nang tawa sa magkapatid na Toni and Alex dahil naitanong kasi kay Alex ang tungkol sa pagkaka-link nila ngayon ni Ryan Bang na balitang crush na crush siya at say ng dalaga, ayaw daw ng ate Toni niya sa naturang Koreano.

Kaya naitanong kay Toni kung galit ba siya kay Ryan at say niya, “Hoy hindi, pumupunta nga siya sa bahay namin, natatakot na nga siya sa akin. Hindi ako galit sa kanya,” she said.

On the contrary, kay Alex daw siya nagagalit at sinasabihan niya ang kapatid na huwag makipag-boyfriend dahil napaka-immature pa raw nito sa pakikipagrelasyon.

 â€œTwenty four years old siya pero ang utak niya ay pang-12 years old,” say pa ni Toni.

Hiningan namin agad ng comment si Alex tungkol dito at say niya, “Actually, right now, it’s 13. Nag-mature na nang kaunti.” Tawanan ang press.

Pero seriously, say niya, hindi naman actually isip-bata siya. It’s just that hindi pa raw siya ready sa isang relasyon.

 â€œThe doors are closed,” pagbibiro pa ni Alex kaya say ni Toni, “Kita mo kung sumagot, walang kuwenta.” Tawanan na naman.

Seriously, tinanong namin si Toni kung okay ba sa kanya na maging boyfriend ni Alex si Ryan.

 â€œFriends na lang sila,” sagot ni Toni. “I love Ryan pero cute silang friends na lang. Kasi ‘pag naging mag-boyfriend sila, makikita ko lang sila na laging nag-aaway. I’m sure, lagi silang mag-aaway. Ngayon na nga lang magkaibigan sila, lagi silang nag-aaway.”

How about Arjo Atayde na crush din si Alex at kasama pa ngayon ng dalaga sa isang teleserye?

Sagot na naman ni Alex, “As of now, the doors are closed. I’m looking for someone who can make me laugh but at the same time, who can tickle my heart. Can tickle my heart!” sabay-tawa.

Say na naman ni Toni, “Umayos ka kasi ng sagot. Siguro, akala niya ang talino niya du’n sa sagot niya.”

Humirit naman si Alex na “Huwag ka nang magsalita. Ilang taon na kayo ni Paul (Soriano boyfriend ni Toni)? 7 years, so 23 ka pa lang, lumandi ka na.” Tawanan na naman.

 â€œSorry, hindi ako lumandi, 23 years old is the right age. I was very mature at that time.”

Sa ngayon, hindi pa raw niya masasabing mature na ang kapatid at 24.

“Tingnan mo nga, kung anu-ano ang pinagsa­sasabi.”

Ha-ha-ha! Sa totoo lang, bagay magsama sa talk show ang magkapatid dahil nakaaaliw ang kanilang bantering.

vuukle comment

ALEX

ALL IN

KUNG

NIYA

RAW

RYAN

SIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with