^

Pang Movies

Nang nalamang isinugod sa hospital Herbert pinadalhan ng santambak na energy drink si Kris

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nakatiis si Kris Aquino dahil siya rin ang nagkuwento na pinadalhan siya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ng kahun-kahon na sports drink na pampadagdag ng lakas at hydration.

Itinago ni Kris si Herbert sa initials na HB na agad na nagpadala ng sports drink nang malaman niya na isinugod si Kris sa ospital noong Martes dahil sa dehydration.

Grabe naman talaga ang init ng panahon noong Martes. Isa yata ‘yon sa pinakamainit na weather sa Metro Manila.

Anyway, hindi napanindigan ni Kris ang  pralala na hindi niya isasapubliko ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay. Hirap talaga siya na pigilan ang sarili sa pagkukuwento.

Jake taga-bitbit ng attaché case ng ama

Poging-pogi si Jake Ejercito sa picture nila ni Papa Joseph Estrada na kuha sa kanilang Hong Kong trip.

Ang cute tingnan ni Jake habang bitbit niya ang attaché case ng kanyang loving fader. Na-curious tuloy ako na malaman ang laman ng attaché case ni Papa Erap. Datung kaya at kung datung, U.S. dollars kaya o HK dollars?

May kutob ako na nangangarap din si Jake na maging public ser­vant tulad ng kanyang ama at mga half-brother. May future sa pulitika si Jake dahil tiyak na makukuha niya ang boto ng girls na mahihilig sa mga pogi.

Ruffa bakasyon-grande sa Holy Land, hindi pa alam ang final title ng movie nila nina Coco at Sarah

Hindi pa siguro alam ni Ruffa Gutierrez na Maybe This Time ang final title ng Star Cinema movie na pinagbibidahan niya at nina Coco Martin at Sarah Geronimo.

Nasa Holy Land tour pa si Ruffa at ang kanyang mga anak kaya hindi siya masyadong updated sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Sa huling pag-uusap namin ni  Ruffa noong nakaraang buwan, hindi pa niya masabi ang title ng pelikula nila. Tumanggi rin siya na magkuwento tungkol sa kanyang role.

Eh inilabas na kahapon ng Star Cinema ang official poster ng Maybe This Time. Ano kaya ang reaksyon ni Ruffa kapag nakita niya ang billing ng kanyang pangalan sa poster ng pelikula na nasa itaas ng pangalan ng dalawang bida?

Deniece hindi na mahanap

Walang word of honor si Deniece Cornejo dahil hindi nito tinupad ang promise na haharapin niya ang mga kaso ni Vhong Navarro laban sa kanya.

Pralala lamang ang statement ni Deniece dahil hindi na siya mahagilap mula nang lumabas ang warrant of arrest para sa serious illegal detention.

Kung talagang matapang at inosente si Deniece sa mga bintang ni Vhong, haharapin niya ang kaso ng serious illegal detention. Hindi ‘yung bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Nowhere to hide si Deniece dahil kahit mga ordinary citizen, puwedeng dumakip sa kanya kapag namataan siya. Ngayon mararamdaman ni Deniece na hindi madali ang gulo na pinasok niya.

Hiwalayan nina Carla at Geoff natabunan ng patung-patong na issue sa showbiz

Natabunan na ng maraming showbiz issue ang break up nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Mag-expect tayo na mabubuhay uli ang isyu dahil malapit na ang presscon ng So It’s You, ang pelikula na tinatampukan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Sa ayaw at sa gusto ni Carla, mapipilitan ito na sagutin ang mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Geoff, kesehodang mapagbintangan siya na ginagamit ang sitwasyon para sa publicity ng So It’s You.

Si Carla rin naman ang may gusto na sabihin sa publiko ang kinahinatnan ng apat na taon na relasyon nila ni Geoff. Walang pumilit sa kanya na mag-guest ng live sa Startalk. Kusang-loob ang pagsasalita niya with matching tears na umagos mula sa kanyang magagandang pares ng mata.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

DENIECE

GEOFF

MAYBE THIS TIME

NIYA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with