^

Pang Movies

Ngipin ng aktres nakakadiri na ang paninilaw

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaramdam ng pandidiri ang ilang press nang makausap nila ang isang artista sa taping.  Umagaw kasi ng pansin ng press ang paninilaw ng ngipin ng artista, huh!

Eh sa pagtatanong ng press sa ilang staff ng programa, nalaman nilang nagdyu-juicing pala ang artista. No wonder, slim na slim ang hitsura niya ngayon.

Kahit epekto ‘yon ng juicing, naging malinis man lang sana ang artista sa epekto nu’n sa ngipin niya. Eh, kapag na-close up ang bibig niya’t nakita ang dilaw na ngipin sa kamera, mas darami ang mandiri sa kanya, huh!

Kristoffer nahirapang magpekpek shorts

Hindi magdadamit-babae si Kristoffer Martin sa paglabas niya bilang beki sa episode ng Magpakailanman na Siga Noon, Beki na Ngayon. First time ng young actor na lumabas ng bading kaya naman pinalipas niya ang tatlong araw bago magdesisyong gawin ang kuwento ng taong tampok sa istorya.

Hirap na siya sa pag-arte bilang bakla, nahirapan pa siya sa suot niyang pekpek shorts!

“Tapos, pink ‘yung suot kong damit! Binugbog ako na nakaganoon ako!

 â€œKasi, masakit na siya, ang daming tao…Iniipit? paha­yag ni Kristoffer nang ipainterbyu ng GMA Artist Center.

 â€˜Di ba, malaki ang bukol niya?

 â€œHayaan mo na ‘yon! Ha! Ha! Ha! Basta masakit! Hindi tape! Masakit! Akala ko iniipit! Ha! Ha! Ha!” rason ng young actor.

Ano ‘yung nararamdaman niya habang pekpek short ang suot niya?

 â€œSobrang awkward! Lalo akong nahihiya kasi sa squatter’s area kami nag-shoot eh. Sobrang daming…Alam mong manlolokong bata. ‘Yun ang kalaban ko.

 â€œButi nga hindi ‘yung, ‘Ahhh bakla!’ ‘Uy, ang ganda mo!’ Ganoon. Buti ganoon lang. Ini-expect ko, baka mabastos! Hindi natin maiwasan ‘yon,” balita pa niya.

Ano ang natutunan niya sa paglabas ng isang bading?

 â€œSiguro mas naging open ako sa ganoong tao. Mas…Actually, may respeto naman na ako. Nabuo na ‘yung respeto ko rito eh. Buo na eh. Hindi na kailangang matahin. Hindi na kailangang i-judge pa. Mas naintindihan. Kung saan ako masaya, siguro roon na rin sila kung saan sila masaya. ‘Yun ang parang ginawa kong motivation ko. Inilagay ko na lang na pusong babae na lang,” rason ni Kristoffer.

 â€˜Yun nga lang, dahil si Mark Herras ang lalabas na love interest niya sa episode at isa ring kaibigan, nakaranas  siya ng pambubuska mula rito kapag napapanood na siya sa taping na nagbabakla, huh!

vuukle comment

ANO

ARTIST CENTER

BUTI

KRISTOFFER

KRISTOFFER MARTIN

MARK HERRAS

NIYA

YUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with