^

Pang Movies

Kris binagayan ng maiksing buhok, hindi halatang inayawan ni Herbert?

STARTALK - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

In fairness, bagay kay Kris Aquino ang short hair dahil nag-iba ang kanyang aura. Hindi halata na may pinagdaraanan siya na heartache.

Magaling ang gumupit kay Kris dahil inigsian niya nang todo ang buhok ng madir nina Joshua at Bimby.

Kung konti lang ang binawas sa buhok ni Kris, kalokalike na siya ni Bernice Lee!

Puwede nga na si Kris ang gumanap na Bernice kung sakaling isapelikula ang karumal-dumal at traumatic experience ni Vhong.

 

Direktor yumabang nang magka-award, kinalimutan ang mga tumulong nung nameless pa

Imbyerna sa isang direktor ang mga reporter dahil malaki ang ipinagbago ng kanyang ugali mula nang mag-win siya ng award.

Hindi na marunong bumati ang direktor sa mga reporter na tumulong sa kanya noong nameless pa siya.

Mabilis na lumobo ang ulo ng direktor na walang dapat ipagyabang dahil puro flop naman sa box office ang kanyang mga pelikula.

 

Bernice biglang nakilala

Hindi na “the who” si Bernice dahil laman na siya ng mga newspaper bilang sangkot siya sa Vhong Navarro case.

Star in her own right na si Bernice dahil tinutukan ng media ang pagdakip sa kanya ng NBI agents noong Lunes.

‘Yun nga lang, hindi nakaka-proud ang experience ni Bernice na friend kuning ni Deniece.

 

Pep list sa May 20

Sa May 20 na pala ang The Pep List ng Philippine Entertainment Portal.

Gaganapin ang awards night ng PEP sa Solaire Resort & Casino.

Kahit imbitahan ako sa The Pep List, hindi ako aapir dahil una, birthday ko sa May 20 at pangalawa, sobrang malayo ang Solaire para sa akin!

 

Thea bida na uli

Bida na uli sa isang teleserye si Thea Tolentino dahil silang dalawa ni Barbie Forteza ang mga bida sa The Half Sisters, ang upcoming afternoon te­leserye ng GMA 7.

Nabigyan ng malaking break si Thea sa Pyra at napapanood siya sa Kambal Sirena.

May common denominator sina Thea at Barbie dahil pareho silang mula sa Laguna.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BERNICE

BERNICE LEE

DAHIL

HALF SISTERS

KAMBAL SIRENA

PEP LIST

THEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with