^

Pang Movies

Sarah sa Bora gustong makasama si Coco

- Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon

Isang malaking challenge para kay Sarah Geronimo ang makasama sa isang pelikula si Coco Martin dahil aniya, alam naman daw nating lahat na isang napakagaling na dramatic actor ang kanyang leading man.

Aminado rin siyang nako-conscious siya kay Coco pero say niya, sa tingin daw niya ay natural lang naman daw for any female star na may ilang nang kaunti sa leading man.

“Lahat naman ng ka-leading man mo, nandiyan ‘yung nako-conscious which it helps din na laging may ilang. ‘Yung awkwardness, ‘yung kilig,” say ni Sarah sa interview sa Buzz ng Bayan.

 â€œAt ‘yung smile talaga ni Coco, siya lang talaga ang may ganun’g klaseng smile,” say pa ni Pop Princess.

Okay naman daw ang working relationship nila at say ni Sarah, endearing person naman daw kasi ang kanyang leading man.

Say pa niya, nakakatuwa raw na kahit sikat na tao si Coco ay nandiyan pa rin ang simplicity and humility nito.

Maybe This Time ang title ng movie nina Sarah and Coco na idinidirihe ni Jerry Lopez Sineneng. Kasama rin dito si Ruffa Gutierrez.

Pangalawang pagsasama na ito nina Sarah and Coco. Una silang nagkapareha sa musical series na Idol few years ago.

Light drama ang tema ng movie at say ni Sarah, hindi ‘yung dati niyang ginagawa na rom-com kaya talagang challenging daw for her dahil may mga dramatic scenes din siya but of course, hindi pa rin daw mawawala ang kanyang pagpapatawa na nakasanayan na sa kanya ng mga manonood.

Anyway, nang tanungin si Sarah kung saan niya gustong dalhin si Coco ngayong summer for a vacation, aniya ay sa Boracay daw dahil nabalitaan niyang gustong pumunta ng leading man sa nasabing lugar.

 

IC hindi kering makipag-tsugihan sa babae

Si IC Mendoza ang punong-abala sa Little Miss Earth Phillippines preliminaries na ginanap last Monday sa Manila Ocean Park. Siya kasi ang tumatayong head ng publicity and promotions ng nasabing kids beauty pageant pati na ang Miss Teen Earth Philippines.

Ito raw ang pinagkakaabalahan niya lately aside from his career na magkakaroon ng pagbabago dahil mapapanood na natin siya sa GMA 7.

Wala naman daw siyang kontrata sa TV5 at wala na rin naman daw show doon kaya walang problema kung makita naman siya this time sa ibang network.

Isang teleserye raw ang gagawin niya sa GMA 7 with Carla Abellana pero wala pa raw detalye.

May bago na rin siyang manager ngayon, si Arnold Vegafria. Kakalipat lang daw niya three months ago mula sa Viva Artists Agency.

This year ay bongga naman daw ang pasok ng raket partikular na nga itong Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines. Kaya sa ngayon ay focused siya sa career at wala munang love life.

 â€œZero ang love life ko ngayon. Ayoko muna siguro this year dahil magpo-focus ako sa career ko,” he said.

Hindi pa ba naghahanap ng apo ang kanyang inang si Dolly Anne Carvajal?

 â€œAko, hindi ko pa sure if kids are for me pero kung gusto ng partner ko, sige, why not. Pero sa ngayon, hindi ko pa siya iniisip. Pero ‘di ba, may iba na pwede silang mag-adopt kahit wala silang partner, ako, feeling ko, kailangan ko pa ng konting push,” he said.

Sarili niyang anak, halimbawa, keri ba niya?

“Hindi rin. Una, ayoko ng artificial insemination. Pangalawa, ayoko ng k..ps,” natatawa niyang say.

Samantala, out of 130 kids na qualifiers ay namili na ang judges ng 20 na opisyal na makakasama sa Grand Finals ng Little Miss Earth Philippines at 20 rin para sa Miss Teen Earth Philippines

Gaganapin ang grand pageant night ng The Miss Teen Earth and Little Miss Earth Philippines on May 27 at SM Mall of Asia Arena. Mapapanood naman sa GMA 7 ang delayed telecast nito.

vuukle comment

DAW

EARTH

MISS

MISS TEEN EARTH AND LITTLE MISS EARTH PHILIPPINES

MISS TEEN EARTH PHILIPPINES

NAMAN

NIYA

RIN

SARAH AND COCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with