^

Pang Movies

Ibang fans ni Angel hindi matanggap si Luis

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Si Angel Locsin ang napiling leading lady ni Gov. ER Ejercito sa bago niyang pelikula tungkol sa alamat ni Pedro Penduko. Si Angel ang lalabas bilang Mutya ng Makiling.  Matagal nang gustong maging leading lady ni Gov. ER si Angel pero ngayon lang lumuwag ang iskedyul nito kaya umubra.

Ang sabi ay ikakasal kay Luis Manzano sa isang taon si Angel. Sabi ni Angel, mas iba ang tingin niya kay Luis noon kaysa ngayong nagkabalikan sila. “He is more nice to be with at kitang-kita ko ang concern niya sa akin,” sabi ni Angel. Puro good words din naman ang sinasabi ni Luis kay Angel. “Sa lahat ng naging girlfriend ko, kay Angel lang ako humanga nang husto because she is not only pretty but intellegent as well.”

Pero may mga fans pa rin si Angel na mas gusto si Phil Younghusband para sa kanya. Nagtataka sila kung bakit hindi pa gaanong nagtatagal ang split-up nila ni Phil ay bigla na lang nabaling si Angel kay Luis.

Derek, sabik na uling makasama si Angelica

Sabi ni Mother Lily Monteverde, ang anak niyang si Roselle ang may idea na kunin at gawing Regal baby si Derek Ramsay.  Kaya hayun, pinapirma nila ng isang exclusive contract ang aktor na lumisan sa ABS-CBN na ngayo’y nasa Kapatid network na.

Payag naman si Joji Dingcong (manager ng aktor) sa ibinigay na kontrata dahil wala naman silang ibang kontrata sa anumang studio.

Gusto ni Mader na unang makapareha ni Derek sa pelikula nila si Marian Rivera kahit may iba namang gustong maging leading lady si Derek, gaya ng dati niyang syota na si Angelica Panganiban.

                               

 

vuukle comment

ANGEL

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

DEREK RAMSAY

JOJI DINGCONG

LUIS

LUIS MANZANO

MARIAN RIVERA

MOTHER LILY MONTEVERDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with