^

Pang Movies

Nag-gate crash aktres tinalakan at minura-mura ang mister kahit may kaharap na pari!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Literally, ginulo ng isang showbiz couple ang supposedly isang solemn celebration sa isang exclusive subdivision. Ang invited lang daw ay ang guy pero nabalitaan daw ng wife nito kaya pinuntahan ang nasabing event. Dismayado ang nag-invite at ang mga guest nila, na kahit daw kaharap ang priest, inaway-away ng wife ang husband niya. Lumayo na raw ang husband at balak nang umalis, pero sinundan-sundan pa siya ng wife at tuluy-tuloy ang pagmumura nito. Kaya hiyang-hiyang nag-sorry na lamang ang husband sa nag-invite sa kanya at tuluyan nang umalis. Ang wife, kahit wala na raw ang husband, naglilitanya pa rin na hindi na maintindihan ng mga guest ang pinagsasabi.

Sarah at Richard naudlot sa Dubai

Dapat ay aalis sa last week of April ang mag-sweetheart na Richard Gutierrez at Sarah Labhati for Dubai para sa isang fashion show on May 1. Pero nag-tweet si Sarah last Sunday na na-move sa June 6 ang fashion show sa Chi Al Nasr Leisureland in Dubai. Excited si Sarah na pinayagan siya ng GMA Artist Center nang hilingin siyang maging isa sa models ng naturang fashion show. First time ni Sarah na rumampa roon at isa sa mga designer ng mga isusuot nilang outfits ay ang famous na si Furne One. 

Four days lang sina Sarah at Richard doon at kailangan na rin nilang bumalik sa bansa dahil si Sarah ay mapapanood na sa isang telemovie sa TV5, katambal si Carl Guevarra. Si Richard naman ay magpu-promote na ng kanyang suspense-action movie sa GMA Films, ang Overtime with Lauren Young under Wincy Ong.

Sunshine at Nora parehong first time sa Cinemalaya

Sa Los Angeles, California nagpalipas ng Holy Week si Sunshine Dizon kasama ang husband na si Tim Tan at mga anak na sina Doreen at Anton. Every year, since isinilang ni Sunshine ang panganay na si Doreen, namamasyal sila sa Disneyland kaya matagal nang naka-block-off ang mga araw na iyon sa taping ng Villa Quintana. Pero pabalik na sila dahil it seems matagal pa bago matapos ang afternoon prime nila nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. May mga pumapasok pa kasing bagong characters, tulad nina Katya Santos at Diva Montelaba. 

Excited din si Sunshine dahil pagbalik nila, magsisimula na siyang mag-shooting ng isa pang indie film, ang Hustisya, kung saan first time niyang makakasama si Superstar Nora Aunor na entry ni Joel Lamangan sa Director’s Cut ng Cinemalaya sa August.  Parehong first entry rin ito nina Nora at Sunshine sa Cinemalaya.

 

vuukle comment

ARTIST CENTER

CARL GUEVARRA

CHI AL NASR LEISURELAND

CINEMALAYA

DIVA MONTELABA

DOREEN

DUBAI

ELMO MAGALONA

FURNE ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with