^

Pang Movies

Daniel dapat mag-ingat kay James Reid

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuwidaw si Daniel Padilla sa kasikatang dumarating ngayon kay James Reid, huh! Certifed box-office hit ang debut movie niyang Diary ng Panget. Tapos, ‘yung duet nila ni Nadine Ilustre na kapareha niya sa movie ay number one sa Pinoy music sa MYX Channel, huh!

Sa totoo lang, muli ngang na-resurrect ang career ni James dahil sa movie samantalang ‘yung ibang winner ng Pinoy Big Brother gaya ni Slater Young ay wala pang kinahihinatnan ang career, huh!

Eh sa launch ng bagong edisyon ng PBB, aba, present si James at malakas ang hiyawan sa kanya!

Kaya hindi dapat maging kampante si Daniel ngayon dahil guwapo na at marunong pang kumanta si James. Maiayos lang mabuti ang pananagalog niya, tiyak na magkakaroon na ng kalaban ang binatang Padilla lalo na’t hawig din ng ka-love team niyang si Kathryn Bernardo si Nadine, huh!

Talent manager nag-e-emote sa ‘panggagamit’ sa kanyang alaga

Emote ang isang talent manager sa kanyang Twitter last Holy Week. Post ng manager, hinay-hinay lang sa gimik!

Involved kasi ang talent ng manager sa isang showbiz issue. Eh, wala sa bansa ang alaga niya upang idepensa ang sarili sa akusasyon ng dating girlfriend.

Eh, may movie na ilalabas ang girlfriend. Kaya tiyak na makakaladkad muli ang actor sa isyu once magsimula na ang publicity and promotions ng movie.

Normal lang na kaganapan ‘yang ganyang pagkakaroon ng isyu ng isang artista. Hindi puwedeng hindi ito mabulatlat lalo na nga’t tahimik ang kampo ng actor, huh!

Movie ni Vhong pinipilahan

Vindicated si Vhong Navarro. Nawala na ang agam-agam sa puso niya nang pilahan ang movie niyang Da Possessed last Black Saturday at ayon sa Star  Cinema, humamig ito ng P17M sa first day showing, huh!

Kahit na nga binanatan siya ni Deniece Cornejo nang magpiyansiya siya nu’ng Miyerkules Santo, hindi ito nakaapekto upang mawala ang simpatiya ng publiko sa actor-host. Pinilahan pa rin ang pelikula niya’t marami ang nag-tweet na natawa sila sa movie.

Ngayong normal na lahat, inaabangan na lang ng tao ang pagsulpot ng iba pang nakasuhan ng grave coercion na hindi pa nagbi-bail gaya ni Cedric Lee at iba pa.

Mas matinding pangyayari ang kaabang-abang kapag naglabas na ng resolusiyon ang Department of Justice kaugnay ng kasong serious illegal detention na non-bailable, huh!

 

vuukle comment

BLACK SATURDAY

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

DANIEL PADILLA

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

HOLY WEEK

HUH

MOVIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with