^

Pang Movies

Ayon sa hula relasyong kristek, pangmadalian lang

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May mga inside sources kaming nagsasabi na sa palagay nila, makalipas lamang ang ilang araw pa, baka matapos na rin ang sinasabing romansa ni Kris Aquino at Mayor Bistek. Mukhang pareho na rin kasi silang apektado ng mga biradang lumalabas sa kanilang relasyon. Marahil dahil sa rami ng mga proyektong pinamahalaan ng kanyang common law wife na si Tates Gana sa city hall, at sa dami ng naging kuneksiyon noon pati na rin sa ibang mga miyembro ng media, talagang tumagilid na bigla si Mayor Bistek at maging si Kris Aquino.

Doon sa kaso ni Kris, hindi na rin bago iyan dahil matagal na namang ganyan ang image niya. Lagi siyang nasasangkot sa controversy. Pero si Mayor Bistek na tahimik ang buhay, ngayon ay nahahalukay na ang lahat.

Kung iisipin mo, hindi na rin naman bago ang mga pangyayari. May girlfriend rin noon si mayor, kung saan nagkaroon siya ng dalawa ring anak nang bigla na lang silang magsama ng sinasabing common law wife niya ngayong si Tates Gana. Kaya kung sinasabi ngang sinira ni Kris ang relasyon ng dalawa (Herbert at Tates), nangyari na rin naman iyan noong araw sa ibang tao. Nagkataon nga lang na hindi nag-ingay iyong tao, kaya walang controversy noon ang pagkakaroon ng relasyon nina Mayor Bistek at Tates Gana. Pero ngayon matindi talaga ang labanan dahil bawa’t isa ay nagkakanya-kanya nang kayod at nagpapa-underdog.

Ang masakit niyan, palagay namin sa ending ay si Mayor Bistek ang wasak. Kung sakali ay magkasiraan talaga, tiyak na kikilos din ang makinarya ni Kris diyan, at alam naman natin na suportado siya ng kanyang network. Eh si Tates Gana may mga kuneksiyon din at mukhang lalaban. Lalabas na si Mayor Bistek lang ang walang kakampi in the end, siya ang kawawa.

Laban ni Vhong mukhang mauuwi sa wala

Nakapagpiyansa na si Deniece Cornejo. Nauna sa kanya, nakapagpiyansa na rin ang isa pa sa mga suspect sa pambubugbog kay Vhong Navar­ro. Eh labindalawang libong piso lang naman pala ang piyansang itinakda ng korte eh, “chicken feed” iyan kung tutuusin.

Palagay namin, kahit na hindi pa nakakapagpi­yansa sa ngayon ay hindi rin naman makukulong ang iba pang idenemanda ni Vhong. Tiyak na kayang-kaya naman nila ang maglagak ng piyansa at iyong kaso naman, matagal na usapan sa korte. Basta hindi natapos sa loob ng dalawang taon, at mawala na sa puwesto ang mga kakampi ni Vhong, lalong tatagal iyang kasong iyan. Usually ganyan ang nangyayari sa kor­te natin eh, hanggang sa magsawa na lang ang mga nagdedemandahan, at sila na ang umaayaw. Kagaya nga niyan, may bintang na “extortion” pero ang hinihingi raw ay dalawandaang libo lang. Ang ending niyan mas malaki pa roon ang magagastos ni Vhong sa kaso, tiyak iyon. Kahit na manalo siya.

Aywan kung ano ang kalalagyan niyan.

Kontrobersiyal na female star takam na takam sa male model

Matindi pala ang disappointment ng isang controversial female star sa isang poging male model. Kung anu-ano na raw ang iniregalo ng babae sa lalaki. Talagang nagpaparamdam na ang babae sa lalaki, pero halatang umiiwas ang model. Isipin ninyo, sinisiraan pa niya ang kanyang sarili sa babae para layuan na siya. Pero talagang type pala siya noong controversial female star.

Hanggang one time, pabiro naman daw na sinabi pero nabigla ang male model nang sabihin ng controversial female star na “I’ll pay you if you sleep with me”. Magmula noon natakot na ang lalaki.

 

vuukle comment

DENIECE CORNEJO

KRIS AQUINO

MAYOR BISTEK

NAMAN

PERO

RIN

TATES GANA

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with