^

Pang Movies

Toni naghihintay pa ng blessing ng diyos bago pakasal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Marami ang kumakantiyaw ngayon kay Toni Gonzaga dahil naunahan pa siya ng best friend niyang si Bianca Gonzales na maging engaged samantalang siya talaga ang noon pa tinatanong kung kailan ba pakakasal sa long-time boyfriend niyang si Direk Paul Soriano.

As we all know, nag-propose na ang boyfriend ni Bianca na si JC Intal kamakailan. And this year na sila haharap sa dambana. Naunahan niya talaga nang bonggang-bongga ang kaibigan niyang si Toni.

Pero say naman ng TV host/actress, happy naman daw siya for Bianca. At kung siya ang tatanungin, hindi naman daw siya nape-pressure na kailangan ay magpakasal na rin sila ni Paul.

“Akala nga nila ako ‘yung mauuna sa aming tatlo. Nararamdaman ko na ako ‘yung last. Dadating tayo doon. Nararamdaman ko rin naman siya, pero ayaw ko i-rush,” sabi ni Toni sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.

Say pa ng TV host/actress, naghihintay lang daw siya for God’s perfect time.

Basta excited daw siya sa kasal ng kanyang kaibigan.

“Kahit wala akong participation, kahit mag-attend lang ako, sabi ko kay Bianca gustung-gusto ko lang makita na pagbukas ng door, naka-gown siya na puti. Baka maiyak ako talaga,” she said.

“Si Bianca hindi naman talaga siya ma-discuss na ‘I want to get married.’ So nung nangyari lahat ‘yun, she deserves it. Even the way na nag-propose, sabi ko deserving siya,” say pa ni Toni.

May mga nagsasabing nag-propose na rin sa kanya si Paul at say ni Toni, hindi naman daw niya itatago kung sakaling makatanggap na siya ng proposal sa boyfriend.

“It’s something na mahirap itago ng isang babae kasi when you have so much joy in your heart, you want to share it. Ayaw mo naman ipagkait ang kaligayahan na ‘yun sa mundo.

“Sabi ko nga kay Bianca nakakatuwa kasi she’s really a host and a career woman so hindi siya talaga nagpepelikula so for her to experience that kind of proposal, parang naramdaman na rin niya what it’s like to be in the movies,” pahayag pa ni Toni G.

Kapamilya writer pumatok sa libro

Ang ABS-CBN/Dreamscape writer na si Noreen Capili ay isa nang best-selling author. Siya ang may akda ng best selling book na Parang Kayo Pero Hindi. Ang nasabing libro (published by Anvil Publishing) ay nasa 6th printing na. Isang patunay na hit na hit talaga ang book na ito ni Noreen or mas kilala sa social media bilang Noringai.

Sa mga hindi nakaaalam, si Noreen ay isang TV writer ng ABS-CBN. Ilan sa mga hit teleser­yeng kasama niyang naisulat for TV ay ang Walang Hanggan, Katorse, Green Rose, My Binondo Girl, Rubi, Aryana, at ang hit teen drama na Mirabella.

Ang Parang Kayo Pero Hindi ay tungkol sa iba’t ibang relationship.

Nakarating na rin sa iba’t ibang bansa ang libro ni Noreen. Isang patunay na kapag love at relationship ang tema, kahit saang panig ng mundo, basta Pinoy ay nakaka-relate rito.

Nasa Star Cinema na ang rights ng Parang Kayo Pero Hindi at nakatakda na itong isalin sa pelikula.

 

vuukle comment

ANG PARANG KAYO PERO HINDI

ANVIL PUBLISHING

BIANCA

DIREK PAUL SORIANO

NOREEN

PARANG KAYO PERO HINDI

SIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with