^

Pang Movies

Lovi at Roco wala pa ring label kahit dalawang linggong nagliwaliw sa Europe

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayon ang balik sa bansa ng rumored sweethearts na sina Lovi Poe at Rocco Nacino mula sa halos dalawang linggong pagliliwaliw sa iba’t ibang parte ng Europe.

Sa London, England na nagkita si Lovi at ang sister niyang si Mariela noong Lunes at nag-Paris, France sila noong Miyerkules.

Aminado naman si Lovi na masaya siya sa pagba-bonding nila ni Rocco sa Europe, pero mas sumaya siya dahil dumating din doon ang kanyang sister na sobrang close sa kanya.

Kahit nga pala sobrang nag-enjoy sa pagliliwaliw sa Europe at gusto sanang mag-extend ng dalaga, hindi naman puwede dahil bukas na ang simula nang taping niya para sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Ang Dalawang Mrs. Real kung saan makakasama niya sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes.

Guaranteed contract star ng GMA 7 si Lovi at suwerte siya na napayagan siyang magbakasyon bago simulan ang bago niyang teleserye sa Kapuso Network.

Sa pagbabalik nga pala sa bansa ni Lovi, marami ang nag-e-expect na lalagyan na nila ni Rocco ng label ang closeness nila.

Marami ang umaasang aamin na finally sina Lovi at Rocco dahil kahit sinasabi nilang wala pang label ang sobrang closeness nila ay halata naman sa kanilang mga ikinikilos na inililihim lang nila ang kanilang relasyon.

Sa tuwing nakakatsikahan ko nga si Lovi tungkol doon, sinasabi ko sa kanya na hindi ako naniniwalang wala pa silang relasyon ni Rocco at tumatawa lang siya.

Solenn at Isabelle ginagawang bonding ang Taste Buddies

Best of friends sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza, kaya imbes na trabaho ang turing nila sa taping ng programa nilang  Taste Buddies sa GMA NewsTV ay mas kino-consider nilang opportunity ‘yon para mas makapag-bond sila.

Parehong busy ngayon sina Solenn at Isabelle, kaya tuwing taping ng Taste Buddies na lang sila nakakapag-catch-up.

Maraming pagkakatulad sina Solenn at Isabelle, pareho ang kanilang manager, si Leo Domingo at pareho ring foreigner ang kanilang boyfriend.

Easter celeb nila Alfred nabago na

Kung noong nabubuhay pa ang inang si Ching Vargas ay kasa-kasama ito ni Cong. Alfred Vargas at ng buong pamilya na nagsisimba tuwing Easter, ngayon ay aalayan na nila ng misa ang yumaong ina.

“Noon, sama-sama kaming nagma-mass, ‘tapos magkakatulong kami na naghahanda para sa Easter egg hunt for the kids then family bonding in dinner, ngayon naman, maiiba na ‘yon. May pa-mass kami for our mother then may egg hunt pa rin naman for the kids.

“Then before dinner, may novena naman kami for our mom,” sabi pa ng actor/politician.

                                                    

vuukle comment

ALFRED VARGAS

CHING VARGAS

DINGDONG DANTES

LOVI

NILA

ROCCO

SOLENN

TASTE BUDDIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with