^

Pang Movies

‘Lugi ako pag nakipag-live in kay John‘ – Isabel

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natanong ng entertainment press si Isabel Oli sa launching ng kanyang Sophie Paris (fashion direct-selling company) kung true ba na nagseselos ang boyfriend niyang si John Prats kay James Yap na na-link dati sa kanya.

Pero giit ni Isabel, never niya talagang naging boyfriend si James kaya bakit daw magseselos si John.

“Lahat naman ng naging boyfriends ko, sinasabi ko sa kanya (John) except for James dahil hindi ko naman talaga naging boyfriend ‘yun,” say ni Isabel.

Besides, wala na raw selosan sa pagitan nila dahil siyempre, dala na rin siguro ng maturity nila. Napag-uusapan nga raw nila ang mga ex nila at hindi naman sila nagkakaroon ng selosan.

 â€œNatatawa na lang kami (pag napag-uusapan). Hindi nagseselos na, ‘Hay, naku, nakita ko ‘yung ex mo…’ Hindi ganun.

“Parang, ‘Uy, nakita ko ‘yung ex mo, she’s so pretty pala.’ Ganun na lang,” say niya.

Aminado naman si Isabel na selosa rin siya noong bata-bata pa siya. Pero ngayon ay hindi na raw.

“Kung noon, nagseselos ako. Even siya (John), hindi na siya nagseselos, hindi na rin. Pero dati nga raw nung bata pa siya, nagseselos siya.”

Sa ngayon ay ready na raw siya to get married pero hindi pa raw talaga pwede this year or kahit next year dahil may mga kontrata pa raw si John na kailangang tuparin.

When asked kung hindi ba nila naiko-consider ni John ang mag-live-in at mabilis na “no” ang sagot ni Isabel.

“May friends ako na ganun ang ginagawa nila, and I have nothing against it, pero hindi ako puwede sa ganun. Ang feeling ko kasi, parang lugi naman sa girl. Parang ganu’n,” say pa ng aktres.

Jennylyn ayaw kay Benjamin

Nilinaw ni Jennylyn Mercado na walang anumang namamagitan sa kanila ni Benjamin Alves. Bigla na lang na-link ang dalawa at maging ang manager niyang si Becky Aguila ay nagulat dahil ni hindi nga raw nakikipag-date ang aktres at nagkakasakit na nga sa katatrabaho.

Ayon kay Tita Becky, magkasama lang daw sa triathlon group ni Coach Jomac sina Jen at Benjamin.

Na-link ang dalawa nang duma­law si Benjamin sa ospital kung saan na-confine si Jen ng ilang araw recently dahil sa kanyang acute upper respiratory tract infection.

Pero kaagad din namang nilinaw ni Jen na kasama naman ni Benjamin na dumalaw ang mga kagrupo sa triath­lon. Sana raw ay huwag na itong bigyan ng iba pang kulay.

Ayon pa kay Jen, sa ngayon ay ayaw na muna raw niyang mag-entertain ng mga bagong manliligaw at ayaw daw muna niyang magmahal ulit.

Mas gusto raw niyang mag-focus ngayon sa kan­yang trabaho partikular na sa kanyang seryeng Rhodora X kung saan ay puring-puri ang kanyang mahusay na portrayal bilang isang babaeng may sakit na DID (Dissociative Identity Disorder) or may multiple personality.

Tinatapos din ni Jen ang kanyang bagong album under GMA Records na ilo-launch ngayong Mayo kasabay ng kanyang kaarawan at 10th anniversary in showbiz.

vuukle comment

AYON

BECKY AGUILA

BENJAMIN ALVES

COACH JOMAC

DISSOCIATIVE IDENTITY DISORDER

ISABEL OLI

PERO

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with