^

Pang Movies

‘Pag ‘di nagpiyansa: Cedric hinihintay na ng selda?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pa huli para mag-post ng piyansa si Cedric Lee na may arrest warrant dahil sa grave coercion complaint ni Vhong Navarro laban sa kanya at sa grupo niya.

Kung hindi nakapagpiyansa si Cedric, may bukas pa para mag-post ng  bail  or else, mapipilitan ang mga awtoridad na dakpin at ikulong siya na hindi naman niya hahayaan na mangyari ‘di ba?

Gotta Feeling video ni Gigi Reyes, showbiz na showbiz

Ang pagbabalik kahapon sa Pilipinas ni Atty. Gigi Reyes ang big news. Bumalik ng bansa si Reyes para harapin ang mga bintang laban sa kanya at ipagtanggol ang sarili dahil sangkot siya sa pork barrel scam.

Inaabangan ang pagsasalita ni Reyes bilang depensa niya sa sarili. Parang kailan lang nang kumalat sa Internet ang surprise  video ng 50thbirthday ni Reyes. May bahid ng showbiz ang video dahil starring dito sina Papa Joseph Estrada, Senator  JV Ejercito, ang mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito at siyempre, si Senator Juan Ponce Enrile.

Very happy ang video dahil sumayaw ang lahat ng starring sa himig ng I Gotta Feeling ng Black Eyed Peas. Bagay na bagay sa video ang madalas sabihin ni Senator Enrile na “Gusto ko happy ka!”

Na-prove nina Papa JV,  Jake, at Laarni na good dancers sila dahil bigay na bigay ang pagsasayaw nila sa happy video na mapapanood sa Internet.

Mga anak ni Ruffa pangarap puntahan lahat ng Disneyland sa buong mundo

Tinupad ni Ruffa Gutierrez ang pangako niya sa mga anak na sina Lorin at Venice na magbabakasyon sila sa Europe ngayong Holy Week.

Nasa Europe na ang mag-iina at nakapamasyal na sila sa Euro Disneyland. Pangarap yata ng mga anak ni Ruffa na mapuntahan ang lahat ng Disneyland sa buong mundo.

Si Ruffa ang nagkuwento sa akin tungkol sa biyahe nila sa Europe ng kanyang mga anak nang mag-lunch kami sa Twist noong nakaraang buwan. Ka-join namin sa lunch ang mga big boss ng Cosmo Skin na  sina Nino Bautista at Red Gatus.

 Thankful si Ruffa kina Niño at Red dahil siya ang napili para maging celebrity endorser ng Cosmo Skin. Makikita sa Edsa at mga branch ng isa ng drug store ang giant billboards ni Ruffa para  sa Cosmo Skin.

Anak ni Jackie masigla at biba pa rin kahit nagpapa-chemo na

Nakita ko ang recent picture ng anak ni Jackie Forster na si Caleigh. Nag-iba na ang physical appearance ng bagets dahil sa mga gamot na iniinom niya para sa kanyang sakit na leukemia. Regular din ang chemotherapy sa kanya.

Pero may karamdaman man siya, masigla at bibang-biba pa rin si Caleigh. Nawawala ang lungkot na nararamdaman ni Jackie at ng kanyang mister kapag nakikita nila ang happy disposition ng kanilang nag-iisang anak na babae.

Matapang na bata si Caleigh dahil nilalabanan niya ang kanyang sakit. Naniniwala si Jackie at ang mister nito na malalampasan ni Caleigh ang mga pagsubok na pinagdaraanan dahil marami ang nagdarasal para  sa kanilang anak.

Dennis Da Silva 12 years na sa kulungan

May mga nag-react sa column item ko tungkol sa dating aktor na si Dennis Da Silva.

Twelve years na raw na nakakulong  si Dennis sa Pasig City Jail kaya umaasa siya na makalaya sa lalong madaling panahon. Habang tumatagal sa loob ng kulungan, lalo raw nakararamdam ng depression si Dennis.

 Nakulong si Dennis dahil sa rape case na isinampa ng kanyang ex-live in partner. Diumano, pinagsamantalahan ni Dennis ang anak ng live in partner niya. Sa pagkakaalam ko, namatay na ang live in partner ni Dennis at wala nang balita tungkol sa kinaroroonan ng kanyang anak na biktima ng pang-aabuso ng dating aktor.

vuukle comment

ANAK

CALEIGH

COSMO SKIN

DAHIL

DENNIS DA SILVA

GIGI REYES

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with