^

Pang Movies

Mommy D. madaling maniwala

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Suwerte ang dinadalang baby ni Jinkee Pacquiao.  Nabawi ni Manny ang dating korona kay Timothy Brandley.  “Nagpapasalamat ako at tinulungan ng Diyos si Manny sa labang ito,” sabi ni Jinkee.  Para rin ito kay baby Israel,” sabi niya.

Ngayon lang hindi sumama si Jinkee sa laban ng asawa. Pero agaw-eksena si Mommy Dionisia Pacquiao sa kanyang puting terno.

Noon ding Abril 13,  napanood din ang guesting ni Mommy Dionisia sa programa ni Vice Ganda.

Nakakatuwa ang matanda dahil hindi siya napipikon sa tanong at patutsada ni Vice sa kanya.  Gaya ng kanyang edad.  : Hulaan mo kung ilang taon na ako?” sabi niya kay Vice.  Sagot naman ni Vice :  “Mga 120?”  Pero bigla naman niyang binawi ang sinabi.  “Nasa 50s siguro kayo o sa 49 o 38?” sabi naman ni Mommy Dionisia na marami pa ring nanliligaw ngayon  :  “Marami ang nagsasabing parang 30 years old lang daw ako.”  Hindi na kumibo si Vice.

Naloka ang audience sa gift ni Mommy D. Kay Vice : plantsahan o kabayo. Halatang hindi ito nagustuhan ni Vice pero nang sabihin naman ni Mommy D na kahit anong klase ng regalo basta galing sa puso, mahalaga, tameme na si Vice Ganda. 

Siguro, naalala ni Mommy D yung Petrang Kabayo, kaya kabayo ng plantsa ang iniregalo sa kanya.

Bong nakadasal ng maigi sa Holy Land

Nitong  April 13 dumating na si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. mula sa Holy Land.  Hindi lang siya nakipag-bonding sa kanyang pamilya kungdi sa ilang kaibigan din gaya ni Hayden Kho. Dati, magka-away sila dahil sa video scandal with Katrina Halili, pero ngayon, magkaibigan na sila.  Hindi lang ganun ka-close pa.

Sabi ni Bong, “Yung pagdarasal namin doon, talagang taimtim kasi  ang Holy Land.  Ipinagdasal ko ang kinakaharap kong kaso na sana ay maisalba ako dahil wala naman akong inagrabyadong tao.”

Gusto na ni Kap na matapos ang kasong ito na halos two years na.  ‘Yun din ang gusto ng kaibigan n­iyang si Sen, Jinggoy Estrada.  

                                            

vuukle comment

HAYDEN KHO

HOLY LAND

JINGGOY ESTRADA

JINKEE

MOMMY D

MOMMY DIONISIA

VICE

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with