^

Pang Movies

Senior actor nakakamukha na ng bading

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humahawig na raw ang isang not so senior actor sa kanyang gay benefactor  pagdating sa hitsura nito. Makinis at flawless ang bading na kilala rin sa showbiz at halos nakukuha na ng aktor ang kakinisan ng nag-aalaga sa kanya.

Inactive dati ang aktor at kung kani-kanino nagpahawak na ta­lent manager. Pero hindi siya mabigyan-bigyan ng markadong role sa mga programang sinalihan.

Until dumating sa buhay niya ang bading. Malakas ang koneksyon kaya napansing muli ang aktor. Siyempre, walang naniniwala na walang relasyon ang bading at ang aktor, huh!

Alangan naman na gamitin ng bading ang koneksyon niya kung hindi rin lang niya mahahada ang aktor kahit pinaglipasan na ng kasikatan, huh!

Richard iba ang nararamdaman kay Sarah

Business with pleasure ang lakad nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Dubai. Tumatanggap na rin kasi ng commitments ngayon si Sarah at isa nga ito fashion show sa May 1 sa Dubai.

Magkasamang aalis sina Chard at Sarah at first time siyang mapapanood ng boyfriend sa isang fashion show.  Actually, magkasama silang rarampa sa naturang fashion show. Three to four days silang magsasama sa nasabing bansa.

Iba talaga ang atraksyon ni Chard kay Sarah.

Cain at Abel nina Aljur at Alden hindi raw kopya

Sa Easter Sunday lang magpapahinga si Alden Richards. May shooting kasi siya ng movie nila ni Aljur Abrenica na Cain at Abel.

Hindi remake ng Lino Brocka ang movie tungkol sa magkapatid na magkaaway. Sina Philip Salvador at Christopher de Leon ang nagbida sa pelikula.

Eh, nakitaan ng GMA Films ang chemistry ang unang pagsa­sama nina Aljur at Alden sa isang episode ng Magpakailanman. Kaya agad silang nakabuo ng project na si Adolf Alix ang director.

After ng Easter Sunday, sasabak muli ng taping ng Carmela si Alden.

                                                                     

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALDEN RICHARDS

ALJUR

ALJUR ABRENICA

DUBAI

EASTER SUNDAY

LINO BROCKA

SA EASTER SUNDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with