^

Pang Movies

Bagong girlfriend ni Jake kamukha ni Jessy, laplapan ibinandera pa sa social media

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aside from his teleserye Ikaw Lamang kasama sina Coco Martin, Julia Montes and Kim Chiu, busy rin pala sa kanyang love life lately si Jake Cuenca. Usap-usapan ngayon ang mga larawang nasa kanyang Instagram account kung saan ay may kasama siyang girl at base sa kanilang pose, hindi maikakailang girlfriend na niya ito.

Sa mga larawan ay makikitang magka­yakap sila at ang isa ay naghahalikan pa sila. Naka-tag ang girl na ang name ay Chanel O­live Thomas.

Sa isang caption ay inilagay lang ni Jake na “this girl” at wala nang iba pang deskripsyon.

Tiningnan namin ang Instagram account ng girl at ang description na nakalagay ay “Fil-Australian model/positive soul based in Manila”.

May mga larawan ding ipinost ang girl na magkasama sila ni Jake. In one photo, makikitang magkayakap sila at the pool side wearing swimsuits at may caption na “Bali 2014”.

Sa isang larawan naman nila na magkayakap ay may caption na “us”. Sa kissing photo naman nila ay may caption na “he makes me happy”.

May nagkomentong follower ni Jake na hawig daw ni Jessy Mendiola ang girl. Well, may anggulo ngang hawig niya ang young actress.

Matatandaan din kasing na-link dati sina Jessy and Jake noong time na ginagawa nila ang Maria Mercedes.

Anyway, happy naman kami for Jake if he’s happy. Matagal-tagal na ring wala siyang inaaming karelasyon and he must love the girl kung kaya nag-decide siyang i-open ito sa public.

Bianca Umali gustong sundan si Marian

Overwhelmed ang 14-year-old Kapuso young star na si Bianca Umali na na-upgrade na ang level sa GMA 7 na from child actress, isa nang Kapuso tween star ngayon.

In fact, siya ang makakapareha ni Miguel Tanfelix sa teleseryeng Niño na malapit na nilang simulan.

 â€œOf course hindi mawawala ‘yung feeling na nau-overwhelm ka sa sobrang saya na unti-unti ka nang nag-a-upgrade into a different stage, ‘di ba?

“And, of course, it’s a blessing na ibinibigay sa akin ni Lord ‘yung mga show na ganito and, of course, kung ano pa ‘yung meron in the future,” sabi ni Bianca nang makausap namin sa pocket presscon nila ni Miguel recently.

Sino ang gusto niyang sundan sa mga Kapuso tween stars ngayon?

“Siguro, for me po, kahit saan naman po, it depends naman po kung saan ako dadalhin ng career ko or kung ano ‘yung plano sa akin ng GMA also.

“Siguro hindi naman po ako pipili. Kung saan lang po ako malagay then I’ll give my best na lang and do it,” she said.

Pero sa mga establisado nang aktres, ang gusto raw niyang sundan ang yapak ay si Marian Rivera na nakasama na niya sa Darna noong bata pa siya.

 â€œGusto ko po si Ate Marian kasi po napaka-ins­pirational po nung kung paano po siya mag-work, kung paano po siya, kumbaga, sa acting.

“Nakikita ko po siya on the set na very concentrated siya kung paano siya mag-sensitize, kung paano siya mag-concentrate on the scene,” say pa ni Bianca.

Dahil pangatlong pagsasama na nila ni Miguel ang Niño (nagkasama na sila sa Paroa at Basang Sisiw), hindi kaya sila ma-develop niyan?

“Siguro more on... nag-uusap naman po kami niyan. And siguro, by far, wala pa naman po sa aming dalawa ‘;yung magka-debelopan kasi concentrated kami, of course.

“Siya nagre-regular schooling siya, and ako I have other things to do since home study ako. And then, kapag work-wise siguro, mas more on concentrated kami on being professional. Sa scenes, pinapag-usapan namin kung paano namin ie-elaborate nang maayos, ganun.”

Bawal pa raw siya magpaligaw bilang katorse anyos pa lang siya at walang-wala pa raw sa isip niya ang mga ganitong bagay.

vuukle comment

ATE MARIAN

BASANG SISIW

BIANCA UMALI

KAPUSO

KUNG

NAMAN

SIGURO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with