^

Pang Movies

Marian tinapos na ang isyu kay Jennylyn

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wagas na wagas ang pag-aalaga kay Marian Rivera sa mga shots niya sa Carmela kaya naman lutang na lutang ang kanyang kagandahan sa GMA series. Eh, pinag-aagawan pa siya ng tatlong lalaki sa series, sina Roi Vinzon, Raymond Bagatsing, at Alden Richards.

Siya ba, naranasan nang pinag-agawan ng mga lalaki nu’ng hindi pa siya artista?

 â€œAng pangit naman kung sabihin kong pinag-aagawan? Sabihin na lang natin na nu’ng college at high school ko, marami talagang nanligaw sa akin. Huwag nang sabihin kung gaano karami,” saad ni Marian sa huli naming pag-uusap.

Ano ang feeling ng pinag-aagawan ng mga lalaki?

“Feeling? Sabihin na lang natin na flattered ako. Chaka naman kung walang nagkakagusto sa ‘yo eh kababae mong tao,” tugon niya.

Wala ba siyang insecurity sa katawan noong hindi pa siya artista?

 â€œHindi ko naman sinasabing insecure. Sabihin na lang natin na masaya ako kung ano ang hitsura ko at kung ano meron ako,” sagot ng aktres.

Wala siyang nararamdamang kakulangan sa kanya?

“Wala! Ang saya-saya ko noon eh. Hindi ko nga alam na mag-aartista ako, sa totoo lang!” pahayag ni Marian.

Eh ‘pag tumaas pa siya, Diyosa na ang dating niya, huh!

“Okey na ito!” sabi niya.

Kaya naman nu’ng halikan siya ni Alden sa isang eksena sa Carmela, kailangan pa niyang tuming­kayad para lumapat ang labi nila sa isa’t isa, huh!

Siya nga pala, may umiintriga sa kanila ni Jennlyn Mercado. Ano ang masasabi niya rito?

 â€œWala kaming…Alam ko nga, sinusundan pa niya ako sa Instagram eh. Saka pag nagkita, kami, ‘Hi, Yan Yan!’ Wala kaming kuneksyon at wala kaming dapat ikunek. Wala at all! Wala kaming issue at all!” rason ni Marian.

 â€œBasta ako, masaya ako sa buhay ko at magtatrabaho lang ako!” diin ni Yan Yan.

Baka naman tuloy pa rin ang inggit sa kanya ng ibang tao?

 â€œAyokong gamitin ang salitang inggit dahil napakabigat na salitang ‘yan. Pag may inggit ang isang tao, ang ibig sabihin, hindi siya masaya sa buhay niya!” deklara ni Carmela.

Walang dala, nasangkot na sa ganitong problema Kinukunsinti ng ina, boyfriend ng young actress nakikitulog sa kanilang bahay

Kinukunsinti ng madir ng isang young actress ang relasyon ng anak sa kanyang ka-love team. Minsan daw kasi, natutulog ang lalaki sa bahay ng babae.

 â€˜Yun nga lang, hindi naman nagtatabi sa kama ang anak at boyfriend. Sa sofa nila sa bahay natutulog ang lalaki kapag hindi na kayang umuwi sa bahay niya.

Pero huwag ka, kapag natsismis na naman ang pagtulog ng lalaki sa bahay ng young actress, naku, asahan ang deny to the max ng ina, huh! What else is new eh, may katulad na sitwasyong kinasangkutan noon ang mag-ina, huh!

 

vuukle comment

AKO

CARMELA

NAMAN

NIYA

SABIHIN

SIYA

WALA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with